Liwayway : 2020-10-16

TULA : 58 : 56

TULA

TULA ANG MGA KULISAP Naiwan nating nakabukas ang bintana ng inuupahang silid. Pumasok ang lamig. Pumasok ang huni ng mga kulisap na hindi natin makilala, gising na gising sila buong gabi. Pumasok ang mga panauhing hindi natin inanyayaha­n, mumunting mariposa na naakit sa liwanag ng bombilya. Iba-ibang hugis, may abuhin, may mapusyaw, isa-isang dumapo sa kisame, sa mga dingding na nakapaligi­d, sa pintong nakapinid. Nabasa ko minsan, sabi ko, panandalia­n ang kanilang buhay, madalas, isang araw lang ang itinatagal. Parang tayo, sabi mo. Pansamanta­lang nagkakasam­a sa silid tulad nito kung saan nagtitipon ang mumunting buhay at kamatayan ng mariposa. - ALLAN POPA 56 • Oktubre 16 -31, 2020 •

© PressReader. All rights reserved.