Palarong Pan­lalaw­igan, ni­la­hokan ng 5,500 na man­lalaro mula sa 22 bayan ng Palawan

Palawan Daily News - - Front Page -

Nagtipon-tipon ang nasa 5,531 na del­e­gado (ath­letes, coaches, del­e­ga­tion of­fi­cials, train­ers, chap­er­ons) mula sa 22 mu­nisi­pal­i­dad ng Palawan sa bayan ng Narra noong ika-4 ng Nobyem­bre 2018 hang­gang 9 para sa tau­nang Palarong Pan­lalaw­igan.

Tema sa paligsa­han na

in­or­gan­isa ng Dep-Ed Divi­sion of Palawan ang “Con­verges Youth Power, Builds Sus­tain­able Fu­ture.” Kala­hok dito ang bayan ng Abor­lan, Agutaya, Araceli, Bal­abac, Bataraza, Brooke’s Point, Busuanga, Ca­gayan­cillo, Coron, Culion, Cuyo, Du­maran, El Nido, Li­na­pacan, Magsaysay, Narra, Que­zon, Rizal, Roxas, San Vi­cente, Sofro­nio Es­panola at Taytay.

Labin-siyam na mga laro ang pag-aa­gawan ng mga atleta sa li­mang araw na paligsa­han. Inaa­ban­gan ang kupo­nan ng Narra dahil ito ang malakas sa nakaraang mga taon. Dito sa pro­vin­cial sports meet kinukuha ang mga pam­bato ng Palawan sa Re­gional Sports Meet.(Sev Borda III/PDN)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.