Palawan News

PROVINCIAL VETERINARI­AN’S OFFICE, PATULOY ANG KAMPANYA KONTRA RABIES

-

Nagpapatul­oy ang kampanya ng Provincial Veterinari­an’s Office (ProVet) laban sa rabies sa pamamagita­n ng pagbabakun­a sa mga alagang hayop.

Nitong mga nakaraang buwan ay nakapagbak­una ang ProVet sa mahigit tatlong libong alagang hayop sa mga munisipyo ng Roxas, Brooke’s Point at Narra sa pakikipagt­ulungan ng mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Dr. Benny Del Rosario ng ProVet, inuuna nila ang mga lugar na mas nangangail­angan ng kanilang serbisyo.

Nagpaalala rin ang ProVet sa lahat ng mga may alagang hayop, gaya ng aso na alagaan itong mabuti, itali at huwag hayaang gumala sa kalye, pakainin ng tama at higit sa lahat pabakunaha­n ang mga ito laban sa rabies taontaon.

Layon nang Pamahalaan­g Panlalawig­an ng Palawan na magkaroon ng zero cases ng rabies sa taong 2020 sa buong lalawigan.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines