‘One ASEAN, a Global Player’ campaign heralds alliance ready for the future
Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa mga millennials?
ANG tanong na ito ay halos kasing bigat na rin ng tanong na, “hanggang kalian na lang kaya ang wikang Filipino?” Hindi ko pa masabi pagkat hindi ko pa nasaliksik na may isang bansang nawalan ng wika, dahil parang nakapaimposible. Ang wika ang siyang nagbubuklod sa isang bansa. Ang wika ay parte na ng pagkatao. Ang Filipino ay parte na ng pagkatao ng Pilipino. Pero hindi maikakaila na nawawala.
Nobenta porsyento ng lumalabas sa telebisyon o naririnig na komersyal sa radio, maging ang nakikita sa dyaryo, ay nasa wikang banyaga. Mas madali para sa mga millenials, o mga batang may edad hanggang treinta y singko. Kaya ganun na lamang ang susog ng pamahalaan at mga tagapagtaguyod ng nationalismo na pag-itingin ang pagtuturo ng wikang Filipino sa mga eskwelahan kasi nga nawawala na, o medaling maimpluwensyahan at mahumaling sa ibang mga bagay ang mga millenials, lalo na sa mga nakikita, naririnig at nababasa nila sa social media. Kung ang wikang Filipino ay maiiwang nasa sulok ng silid-aralan, o nakasulat lang sa mga libro, sadyang taon na lang ang bibilangin sa wikang Filipino.
Mahalaga ang wika dahil nga sa diin nito sa ating pagkatao. Parang parte ng katawan na kung masugatan apektado lahat ng kalamnan hanggang sa kalingkingan. Mahalaga na panatilihin ang wikang Filipino lalo na ng kasalukuyang henerasyon o an gating mga millenials dahil wala ng ibang magtataguyod ng atin bansa sa hinaharap kungdi sila lamang. Oo at wala namang masama kung may mga makabagong lenggwahe na magagamit ang ating mga millenials tulad ng salitang beki, o lalo na ng Taglish na talaga namang naging karaniwan na lamang sa marami sa atin sa loob ng mahabahaba na ring taon, pero ang hindi dapat mangyari ang malimutan natin ang ating sariling wika.
Walang bansa ang walang wika. Ayon sa pambansang bayani natin na si Dr. Jose Rizal, “Ang di marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.” Ang hindi lumingon sa kung saan nagsimula at nanggaling, bahay man ito o paaralan; o ang hindi marunong lumingon sa pinagmulan at gumabay, magulang man ito o guro; at ang hindi marunong magpahalaga sa mga bagay na naging tulay sa ating kasarinlan at kaalaman sa kasalukuyan, isa na doon ang wika na naging gamit sa komunikasyon at pagkakaintindihan ay kailanman hindi magtatagumpay sa buhay. Kung ano ang iyong ibinigay ay siya ding babalik sa’yo.
Magkaiba man ng henerasyon, Pilipino pa rin tayo. Pilipino pa rin ang mga millenials. Ang tunay na Pilipino ay Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa. Ang wika ay parang bandila, sumasalamin sa kasarinlan at nirerespeto ng Pilipino saan pa man. Mahalaga ang wika kahit ano pa man ang mangyari. Hindi dapat maging isyu ito. Kailangan lang panindigan ng ating mga millenials. Ang patuloy na pagpaalala sa kanila sa paaralan ng kahalagan nito ang magsisilbing ilaw nila sa kanilang pagtahak sa landas tungo sa kapayapaan, pag-iwas sa karahasan, at pagpayabong ng kabuhayan ng bawat isa, at ng kanilang mga salin lahi. ( Paid article)