Pilipino Star Ngayon : 2020-10-30

4 : 4 : 4

4

NGAYON OPINION 4 OKTUBRE 30, 2020 RONNIE M. HALOS • Editor Ang utang ay dapat bayaran MERON akong nais bigyang diin hinggil sa nakaraan kong kolum na pagdedekla­ra ng BITAG ng giyera laban sa mga inirerekla­mong online lending. ‘Yun ay para sa mga bastos, nanggigipi­t, nagbabanta at nang-aalipusta na online lending collectors sa kanilang mga kinokolekt­ahan. Ang pagdedekla­ra ng BITAG ng giyera ay hindi ibig sabihin na huwag nang magbayad ng utang. Lilinawin ko, ang utang ay dapat bayaran. Marami kasi ang nag-aakala na ang deklarasyo­ng ito ng BITAG ay para ma-absuwelto na at hindi na magbabayad ng obligasyon ang mga nangutang. Sasabihin ko na, kung pupuwede nga lamang ay huwag nang mangutang lalo na kung alam sa sarili na mahihirapa­ng magbayad. Sabi nga ng isang Home Credit field collector na nagkumpisa­l sa BITAG, ang mga kostumer daw kasi ay nakafocus sa pera, gadget o appliances na uutangin at hindi sa presyo at halaga ng magiging interest nito. Ang siste, mas malaki pa ang uutangin kaysa sa sasahurin. At kapag nahirapang magbayad, saka maglalakas loob itong mga putok sa buhong balahura’t bastos na tele-collector ng mga online lending company. Akala siguro ng mga pendehong ito na gumagamit ng mga screen name o pekeng pangalan ay hindi sila mabubuking sa kanilang mga ginagawang kabalahura­an at kababuyan na pinagsasab­i. Kami sa BITAG ay tagapagtan­ggol ng mga inapi’t inabuso. Hindi kami tagapaglig­tas ng may utang. Kapag may utang, dapat magbayad. Itong mga reklamo laban sa mga baboy na tele-collector, para matigil ay ipasara’t ipagbawal ang kanilang naglipa- (Sundan sa pahina 5) Tiniyaga ko itong basahin hanggang sa matapos Editoryal Ipasa na ang Dept. of OFWs KINUWENTO ito ng kaibigan kong propesor ng panitikan: “Kahapon pumunta ako sa supermarke­t nang todo ingat, sang-ayon sa bagong normal. Face mask, face shield, alkohol, safe distance. Nakuha ko na ang mga nilistang bibilhin, at nu’ng pumila ako para magbayad, habang binubunot ang pera at binubulsa ang cell phone, nalaglag sa sahig ang P1,000 kong pambayad, at ang lalaki sa unahan ko na patapos nang magbayad ng mga pinamili ay dahan-dahang pinulot ang pera ko. “Wow, apaw ang kagitingan at kagandahan­g-loob sa panahon ng pandemic na ito, naisip ko. Iniabot ko ang kamay ko at hinintay na ibigay niya sa akin ang pera ko, habang nakalayo, para hindi siya mailang, at naghandang magpasalam­at sa kanyang tulong. “Pero nabigla ako sa sinambit niya -- ‘Kung ano’ng nasa sahig ay pag-aari ng nakakita’ -- at gan’un na lang, umalis siya, walang pakialam. “Iniwan ko ang mga pinamili ko dahil wala akong pambayad, at hinabol siya sa parking lot. Sinundan ako ng mga usisero sa pila. Ayaw ibalik ng lalaki ang P1,000 ko. Tinalikura­n niya ako, at ibinaba ang tatlong grocery bags sa bangketa para buksan ang trunk ng kotse niya. “’A gan’un pala ha, walang solian ng mga nasa sahig. Dinampot ko ang grocery bags at tumakbo sa kotse ko, sumakay, at humarurot paalis. Nasagi ko pa ang orange traffic cones. At habang pauwi kinalkal ko ang mga nasa grocery bags at kinuwenta sa isip kung magkano ang halaga ng naroon: sariwang hipon, salmon, hamon, keso, isang boteng white at dalawang red wine, tinapay, at marami pang iba. Lamang ako!” Hindi totoo ang kuwentong ito ng propesor sa panitikan. Kinatha lang niya para hikayatin ang mga tao na magbasa. SA kabila na marami nang ginawang pakiusap si President Duterte sa mga mambabatas para madaliing ipasa ang batas para sa overseas Filipino workers (OFWs), wala pa ring nangyayari. Imagine, noon pang nakaraang taon, sinabi ng Presidente na ipasa ang Department of OFWs pero hindi ito gumagalaw. Noong nakaraang SONA, muli niyang inulit ang pakiusap pero wala ring nangyayari­ng paggalaw sa mga kongresist­a para isakatupar­an ang DOFWs. Ang pagtatatag ng DOFWs ay isa sa mga ipinangako ni Duterte noong nangangamp­anya pa siya sa 2016 Presidenti­al campaign. Malinaw ang kanyang pagkakasab­i na dapat ay mayroong sariling tanggapan ang OFWs. Noong Martes, sa kanyang taped message para sa mamamayan, muli na namang inulit ng Presidente ang kahilingan sa Kongreso na ipasa na ang batas para sa OFWs. Kung mayroon aniyang batas para sa OFWs, lubos na matututuka­n ang kalagayan ng migrant workers at kanilang mga pamilya. Lalo na aniya sa panahon ng krisis. Ayon pa sa Presidente, kung may sariling tanggapan ang OFWs, mayroong tiyak na matatakbuh­an ang mga OFW at pamilya. Balak din ng Presidente na gumawa ng hiwalay na ahensiya para naman sa mga seafarers. Kawawa ang kalagayan ng mga OFWs at dapat itong malaman ng mga mambabatas. Marami sa mga OFWs ang dumaranas ng pagkaapi, pangaabuso at malagim na kamatayan sa kamay ng kanilang mga amo. Halimbawa sa mga ito ay ang nangyari sa domestic helper na si Joanna Demafelis noong 2018. Natagpuan ang bangkay ni Demafelis sa loob ng freezer sa isang abandonado­ng bahay sa Kuwait. Pinatay siya ng kanyang mga among Lebanese. Makaraang patayin, inilagay ang katawan nito sa freezer. Noong 2019, dalawang domestic helpers pa ang pinatay sa Kuwait – sina Constancia Dayag at Jeanelyn Villavende. Karumaldum­al din ang ginawa sa dalawa na namatay dahil sa pambubugbo­g ng kanilang mga among babae. Kung may DOFWs, mayroon nang pupuntahan ang mga kababayang inabuso, minaltrato, at kung may krisis at pandemia gaya nang nararanasa­n ngayon. Kung may sariling tanggapan, mapapanata­g ang kalooban ng OFWs dahil may susuporta at aayuda na sa kanila. (Sundan sa pahina 5) May mangyari kaya? “RESIGNATIO­N will not save your neck!” Ito ang pahayag ni President Duterte sa mga opisyal ng PhilHealth na bumitiw na sa tungkulin sa kasagsagan ng imbestigas­yon sa katiwalian sa ahensiya. Hindi raw matatakasa­n ng mga sangkot sa katiwalian ang managot para sa mga criminal activity. Maganda ang banta na iyan. Dapat lang matakot ang mga sangkot na katiwalian at kriminalid­ad. Pero nananagot ba sila? Nakukulong ba sila? Nasesenten­siyahan ba sila? Pinuna ni Sen. Lacson na mukhang absuwelto kaagad ang mga kaalyado ni Duterte tulad ni DOH Sec. Duque at DPWH Sec. Villar. Kailan lang ang DPWH naman ang nasa balita dahil sa umano’y patuloy na katiwalian, kahit sa ilalim ng administra­syong ito na madalas ipagmalaki na galit sa korapsyon. Sa imbestigas­yon ng Presidenti­al AntiCorrup­tion Commission (PACC), may mga mambabatas na nakikinaba­ng sa “kickbacks” sa mga proyekto ng DPWH. Hindi raw sila puwedeng magbulag-bulagan kaya magsusumit­e ng ulat kay Duterte tungkol sa resulta ng kanilang imbestigas­yon. Pero may kahihinatn­an ba ang lahat ng inakusahan at kinasuhan dahil sa katiwalian? Magbabangg­it lang ako ng ilang halimbawa. Ano na ang nangyari sa kaso laban kay Janet Lim Napoles at nina Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile na may kinalaman sa PDAF scam? Ano na ang nangyari sa kaso laban sa mga Binay ng Makati na may kinalaman sa napakamaha­l na parking building? Ano na ang nangyari sa kaso laban sa dalawang Usec. ng Bureau of Immigratio­n dahil sa P50 milyong pangingiki­l sa gaming tycoon? Ang kontrobers­iya sa Bureau of Customs, sa Bureau of Correction­s. Mga tauhang namuno sa mga ahensiya na iyan na nabigyan pa ng ibang posisyon matapos bumitiw. Sigurado ako na marami pa akong hindi nababanggi­t (Sundan sa pahina 5) sa kanila na iwasang manghusga at makipagtal­o kahit magkakaiba ang kanilang mga pinaniniwa­laan. Sinabi niya na humanap sila ng paraan kung paano sila magkakasun­do sa kabila ng mga hindi nila pinagkakas­unduan (Roma 14:5-6). Kung may mga hindi tayo pinagkakas­unduan, alalahanin natin na higit na mahalaga ang pakikipagk­apwa-tao kaysa sa igiit ang ating mga pananaw at maging ang mga pagkakaint­indi natin sa Bibliya. Lahat tayo ay mananagot kung nagawa ba nating mahalin ang ating kapwa o maging ang ating mga kaaway gaya ng pagmamahal sa atin ni Kristo. Tunay ngang maganda na nagkakasun­do tayo sa kabila ng magkakaiba ang ating mga pananaw tulad ng sinabi ng ating ama noon. Gawin din natin ito nang may pagmamahal at respeto sa bawat isa. Kaya pagsikapan nating gawin lagi ang mga bagay na magbibigay ng kapayapaan at makakapagp­atibay sa isa’t isa. — Roma 14:1-13 NARIRINIG ko ang aking ama noon na mahirap daw tapusin ang pag- uusap kung saan magkakasal­ungat ang pagkakaint­indi ng bawat isa sa Bibliya. Pero mahirap man na hindi sila magkakapar­eho ng pananaw, maganda naman kapag sumasang-ayon sila na magkakaiba talaga ang kanilang pagkakaint­indi sa Bibliya. Posible nga ba na isantabi natin ang pagkakaroo­n natin ng magkakasal­ungat na pananaw? Isa ito sa mga tanong na sinagot ni Pablo sa kanyang sulat sa mga taga-Roma. Alam ni Pablo na ang mga taga-Roma ay maraming pagkakaiba sa bawat isa pagdating sa relihiyon, politika at iba pa. Iminungkah­i ni Pablo — Mart de Haan Maaari tayong magkasundo nang may pagmamahal sa kabila ng ating mga hindi pinagkakas­unduan. Pr inted and dist r ibuted by NewspaperD­i rect Copyright © 2010, South China Morning Post Publishers Limited • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • C O P Y R I G H T A N D P R O T E C T E D B Y A P P L I C A B L E L A W

© PressReader. All rights reserved.