PM Pang-Masa : 2020-10-30

2 : 2 : 2

2

OKTUBRE 30, 2020 JUNE G. TRINIDAD • Editor Sa pagmamaltr­ato sa Pinay na kasambahay… Mga kaalyado ni DU30 kasama sa imbestigas­yon ng katiwalian IMBESTIGAH­AN ANG PH ENVOY SA BRAZIL - DIGONG “Naghahanap lang po ng ebidensya ang Pangulo. Kahit sino naman po, kahit gaano kalapit sa kanya, kahit gaano ang pagpuri niya sa nakaraan kung meron naman pong ebidensya ng katiwalian ay parurusaha­n ng ating Presidente.” Ito ang tiniyak ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque na hindi exempted sa imbestigas­yon ang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na inaakusaha­n ng katiwalian. Ang pagtiyak ay ginawa ni Roque matapos punahin ni Sen. Panfilo Lacson ang mistulang pagtatangg­ol ng Pangulo kina Health Secretary Francisco Duque III at Public Works Secretary Mark Villar. Tiniyak ni Roque na ang papuri ng Pangulo sa dalawang opisyal ay hindi nangangahu­lugan na hindi na sila maaaring imbestigah­an. Ipinunto pa ni Roque na bilang dating prosecutor, malawak ang karanasan ng Pangulo pagdating sa mga kaso tungkol sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act. - I natasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Foreign Affairs (DFA) na imbestigah­an ang ambassador sa Brazil na nang by the Board or separated from the service unless there is an express written directive from the President.” Nangako naman si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na hindi niya kukunsinti­hin ang mga aksyon ng kanyang mga tauhan na taliwas sa kanilang mandato para protektaha­n ang karapatan at kapa kanan ng overseas Filipino workers. Nina GEMMA GARCIA, MALOU ESCUDERO abuso sa kanyang Pinay na kasambahay. Ito ang sinabi ni Senador Bong Go, dahil laging naninindig­an ang pangulo para sa proteksyon at promosyon ng karapatang pantao at kapakanan ng bawat Filipino sa ibang bansa na responsibi­lidad din ng gobyerno. Ayon pa kay Go, may sinumpaang tungkulin ang mga ambassador at dahil sa bigat ng alegasyon kay Ambassador to Brazil Marichu Mauro kaya nagbigay na ng go signal si Duterte para imbestigah­an ito base na rin sa rekomendas­yon ng DFA. Ang imbestigas­yon ay salig sa batas partikular na sa Foreign Service Act of 1991 kung saan nakasaad na “The chief of mission who are commission­ed by the President as ambassador­s extraordin­ary and plenipoten­tiary shall not be investigat­ed Price cap sa COVID-19 test gagawing abot-kaya Inihayag ni Presidenti­al Spokeperso­n Harry Roque na may malaking pag-asa na magkaroon ng price cap sa COVID-19 test. Anya, natapos na ng technical working group ng Department of Health ang rekomendas­yon at nasa kamay na ng Pangulo ang paglagda sa kautusan. “From all indication­s, mukha naman pong magkakaroo­n ng price cap,” ani Roque. Agad din nilinaw ni Roque na ayaw niyang pangunahan kung ano ang magiging desisyon ng Pangulo. Nanindigan si Roque na dapat mas maging mababa ang singil sa COVID-test na naibibigay ng Project ARK sa halagang P1,500. “Eh kasi po iyong iba naman ay napakataas talaga ng sinisingil ‘no. Eh alam naman natin na pupuwedeng mas mura iyang testing na iyan dahil sa Project ARK nga, as low as 1,500 ay kaya nilang magbigay ng testing up to 2,000 ‘no. “So iyan lang po, para maging mas affordable ang testing mga kababayan,” wika ni Roque. Malou Escudero- DDR bill ng Kamara hiniling na agad ipasa sa Senado Nanawagan kamakailan si Speaker Lord Allan Jay Velasco sa senado na ipasa sa lalong madaling panahon ang Departmet of Disaster Resilience (DDR) o House Bill 5989 na akda ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda, Chairman ng House Ways and Means Committee sa gitna na rin ng pagtama ng mga kalamidad sa bansa na nagdulot ng matinding delubyo sa malaking bahagi ng Luzon habang patuloy ring dumaranas ng COVID-19 pandemic ang bansa. Binalangka­s ni Salceda at sinuportah­an ng maraming mambabatas na umani ng 241 boto nang ipasa ng Kamara noong Setyembre at sa kasalukuya­n ay naghihinta­y na lamang ng aksyon ng Senado. Itinuturin­g ang HB 5989 na isang kumprehens­ibong pagtugon ng bansa laban sa mga kalamidad, kasama na ang pandemya na maraming beses ng inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nilalayon ng DDR Bill na maging pangunahin­g ahensya ng pamahalaan para manguna, mangangasi­wa at mag-uugnay-ugnay sa lahat ng hakbang at programa ng gobyerno para maiwasan, mapaghanda­an at mapagaan ang dagok na dulot ng pananalant­a ng mga kalamidad, makabangon sa mga ito at patuloy na isulong ang progreso ng bayan at lipunan.- -Malou Escudero- 7 pusher tiklo sa P1.3-M shabu Pitong drug pusher ang naaresto ng mga otoridad sa magkahiwal­ay na buy-bust operation sa Paranaque City at Taguig City kamakalawa. Bandang, alas-8:20 ng Miyerkules ng gabi nang magkasa ang mga otoridad ng buy-bust sa tapat ng isang bahay sa No. 10 Ninoy Aquino Avenue sa Brgy. San Dionisio, Parañaque City at dito ay naaresto ang mga suspek na sina Dima Sayaat, alyas Penda, 28; Sabrin Polindao, 32; at si Richard Buenvenida, 39 at nakumpiska ang 11 malalaking plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 170 gramo ng hinihinala­ng shabu na may halagang P1,156,000. Una rito ay alas-7:43 ng gabi nang masakote sa sa may No. 442 PNR Site, FTI Compound, Brgy. Western Bicutan,Taguig City ang mga drug suspek na sina Armando Bagain, 37; Kevin Lunzaga, 28; Vincent Zabala, 28 at Gilbert Esquivil, 37 na kung saan nasamsam ang 6 medium size plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 27 gramo ng shabu na may halagang P183,000 ang nakumpiska sa kanila maging ang isang P500 marked money na ginamit sa operasyon. Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puntod ng mga magulang sa Davao ilang oras bago magsara ang mga sementeryo at mga kolumbaryo sa bansa. Pulis opisyal ginahasa ang dalaga na lumabag sa curfew Inireklamo ng isang dalaga ang isang opisyal ng pulisya na humalay sa kanya sa loob ng barracks nito matapos na arestuhin sa paglabag sa curfew naganap sa San Miguel, Bulacan. Ang suspek na inaresto ng kanyang mga kabaro ay kinilalang si PLt. Jimmy Fegcan, 41, deputy chief of police for operation ng naturang istasyon at residente ng Brgy. Batia, Bocaue. Habang itinago naman sa pangalang Lyka ang biktima. Sa report ni San Miguel chief of police PLt.Col Voltaire Rivera, bago naganap ang insidente bandang alas3:00 ng madaling araw sa barracks ng kanilang istasyon ay isa si Lyka na inaresto ng mga otoridad dahil sa curfew sa ilalim ng Violation of Provincial Ordinance 87- 2020 at dinala sa holding area ng istasyon. Dito ay tinawag ng suspek ang biktima sa kanyang barracks para doon ito makapagpah­inga. Habang natutulog ang biktima ay naramdaman niyang may humihimas sa kanyang dibdib kaya siya nagising at nakita ang suspek na nakahubad. Pinuwersa umano siyang hubaran ng suspek hanggang sa patungan at itutok ang ari nito sa kanyang pagkababae. Matapos ang insidente ay pinagdamit ng suspek ang biktima at pinauwi sa kanilang bahay na kung saan ay agad itong nagsumbong sa kaanak na nag-report sa pulisya kaya’t inaresto ang suspek na itinanggi ang akusasyon. Joy Cantos- DPWH director nagpaagaw ng P2-M cash sa b-day party, kinasuhan sa Ombudsman Kasong kriminal at administra­tibo ang isinampa sa Office of the Ombudsman laban kay DPWH Region 1 Director Ronnel Tan dahil sa kontrobers­iyal na pagpapaaga­w ng P2 milyong cash sa kanyang birthday party na ginanap sa lalawigan ng Quezon. Sa complaint affidavit ni Konsehal Arkie Manuel Yulde ng bayan ng Lopez, Quezon na mistula umanong ginawang confetti ni Director Tan ang mahigit P2 milyong cash na pinaghahag­is at ipinamigay sa mga dumalo sa kanyang kaarawan noong December 2019. Kabilang sa mga nakasaksin­g bisita sa magarbong birthday party ni Tan ay ang mga alkalde ng Quezon province at iba pang opisyales ng lalawigan at barangay officials. Nakasaad sa reklamo ni Yulde na regalo umano ni Director Tan sa mga opisyales na dumalo sa kanyang party ang cash na pinamudmod nito. Nireklamo din ni Yulde ang umano’y sangkaterb­ang mga ari-arian ni Tan kabilang na ang 600-square meter na mansyon sa Loyola Grand Villas sa QC, mga mamahaling sasakyan at iba pa. Nataon ang reklamo laban kay Tan, kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigah­an ang mga opisyales ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan partikular na ang DPWH na umano’y talamak ang kurapsyon. Hiniling din ni Yulde kay Pangulong Duterte na sibakin na sa pwesto si Tan at isailalim sa lifestyle check. Nabatid na si Tan ay asawa ni Quezon Rep. Helen Tan ay itinalaga sa puwesto ni dating Pangulong Noynoy Aquino. -Danilo Garcia- 3 bangkay, natagpuan sa bangin ng N. Vizcaya-Baguio - Doris Franche- Tatlong hindi pa nakikilala­ng mga bangkay ang natagpuan sa isang bangin ng Nueva VizcayaBag­uio road sa nasasakupa­n ng Barangay Pangawan, Kayapa, Nueva Vizcaya, kamakalawa. Batay sa ulat ng Kayapa PNP, alas-4:30 ng hapon unang nadiskubre ng dalawang estudyante na sina Reniel Lucas, 13, at Dominic Reymundo, 19, ang bangkay ng isang babae at 2 lalake sa bangin na nasa kanang bahagi ng kalsada patungo sa Bocod, Benguet. Inilarawan ang babaeng biktima na nakasuot ng t-shirt na may denim at asul na short, ang lalake ay nakasuot ng puting t-shirt at green short habang ang isa pa ay nakasuot naman ng asul na t-shirt at itim na short. Pinaniniwa­laan ng pulisya na pinatay sa ibang lugar ang mga biktima bago ito itinapon sa bangin upang iligaw ang pulisya sa pag-iimbestiga.- 507 regular jeepney at 19 modern jeepneys, aarangkada na Simula ngayong araw ay papasada na ang 507 unit ng regular traditiona­l jeepney at 19 na modern jeepneys sa limang bagong ruta na binuksan ng ahensiya sa Quezon City, Marikina, Maynila at Pasay City. Sa ipinalabas na memorandum circular ng LTFRB, maaari nang pumasada ang mga roadworthy na jeepneys na mayroong prangkisa sa mga ruta sa Parang-Recto o mula Marikina hanggang Recto sa Maynila, Parang-Stop and Shop via Aurora Blvd, Recto-SSS Village via Aurora Blvd. at España Blvd. at Libertad-Pinagbaril­an sa Pasay City. Sa may SM Fairview naman hanggang Buendia Avenue papasada ang mga modern Jeepneys na bukod sa air-conditione­d at Euro - compliant ang makina ay mayroon ding nakakabit na CCTV, Dashcams, WIFI, Speed limiters at Automatic fare Collection System. Muling ipinaalala ng LTFRB ang istriktong pagpapatup­ad ng 7 commandmen­ts sa public transport tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, pagrerekor­d ng impormasyo­n ng mga pasahero na bahagi ng Health protocol sa loob ng mga pampasaher­ong sasakyan. Nilinaw din ng LTFRB na walang pagtataas ng singil sa pasahe sa mga modern jeepneys at wala ding taas pasahe sa mga ruta ng traditiona­l jeepneys. Victor - Angie dela Cruz- Martin- -Angie dela Cruz- Pr inted and dist r ibuted by NewspaperD­i rect Copyright © 2010, South China Morning Post Publishers Limited • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • C O P Y R I G H T A N D P R O T E C T E D B Y A P P L I C A B L E L A W

© PressReader. All rights reserved.