PM Pang-Masa : 2020-10-30

4 : 4 : 4

4

4 OKTUBRE 30, 2020 Ang mega task force na bubuuin ay tatagal hanggang Hunyo 30, 2022 o mas matagal pa maliban na lamang daw kung buwagin ito ng papalit sa kanya. Hindi lamang mga opisyal ng tanggapan ang sakop para imbestigah­an ng mega task force, pati raw mga kongresist­a at senador ay kasali rito. Sabi ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque na mandato ng Department of Justice (DOJ) na imbestigah­an ang lahat kahit ang mga nasa lehislatur­a. Kahit daw may immunity ang mga mambabatas, hindi kasama ang paglabag sa anti-graft laws. Ang isang tiyak, basta nangurakot ang kongresist­a at senador, iimbestiga­han ito ng DOJ. Malawak ang sakop ng gagwing pag-iimbestiga ng DOJ. Pati mga mambabatas ay kasama. Kung magkakatot­oo ito, maraming mambabatas ang tiyak na masasampol­an ng DOJ. Maraming sangkot sa katiwalian gaya nang paglustay sa pondo ng PDAF na pinadaan sa bogus NGOs ni Janet Lim Napoles ilang taon na ang nakararaan. Kung magtatagum­pay ang task force ng DOJ laban sa mga korap sa buong pamahalaan kasama na ang mga mambabatas, tagumpay ito ng taumbayan. Maraming masisiyaha­n kung ang mga “matatakaw na buwaya” sa pamahalaan ay malilipol. Ito ang matagal nang inaasam ng mamamayan. Upakan na ang mga korap. Editoryal Walang sasantuhin, lahat uupakan MALAKING responsibi­lidad ang iniatang ni President Duterte kay Justice Secretary Menardo Guevarra na imbestigah­an lahat ang mga tanggapan ng gobyerno na sangkot sa corruption. Isang “mega task force” ang bubuuin para maimbestig­ahan lahat. Walang sasantuhin sa pag-iimbestiga. Lahat uupakan! Sa televised address ng Presidente noong Martes, ipinag-utos na umano niya ang isang special body na mag-iimbestiga sa Philippine Health Insurance Corporatio­n (PhilHealth) at pati na rin sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Sinabi pa ng Presidente na asahan nang mayroon siyang sususpendi­hing opisyal at personnel sa mga darating na araw. Kapag daw may sinuspende siyang opisyal, ibig sabihin nun e duda siya. Hindi raw siya magsususpe­nde kung walang kasalanan ang opisyal o empleyado. Mga Pinoy, bawal na sa sementeryo! – Eleazar Imbes mag-aruga, nagmamalup­it pa! AYAN na nga, iniutos na mismo ni Pangulong Digong na maimbestig­ahan ang pinauwing Philippine Ambassador sa Brazil na si Marichu Mauro na nagmaltrat­o sa kanyang Pinay na kasambahay. Hindi talaga nagsisinun­galing ang ebidensya, dahil makailang ulit sa ibat-ibang pagkakatao­n kitang-kita kung paano tratuhin at saktan ni Mauro ang kanyang staff. Ramdam din kung paano walang magawa ang sinasabing kasambahay kundi ang umilag at umiyak na lamang. Nakapanlul­umo ang mga kuha sa CCTV sa loob mismo ng tinutuluya­n ng Ambassador. Parang dito mo mararamdam­an ang makapangya­rihan at nasa ibaba. Kahit sino ang makapanood sa naturang mga video, aba’y galit na galit at talagang umuulan ng mura laban kay Mauro. Kakaiba ang Ambassador na ito, na dapat sanay siya ang mangunang magmalasak­it sa kapakanan ng mga Pinoy sa mga bansang kanyang nasasakupa­n, eh mismong siya pa at sa kanyang bahay masusumpun­gan ang ganitong kalupitan. Kakaiba di ba? Dapat na siya ang maging takbuhan ng mga nangangail­angan niyang kababayan, sa pangyayari­ng ito literal na siya ang tinatakbuh­an sa isinasagaw­a niyang pagmamalup­it. Matindi na ang mga panawagan na kasuhan si Mauro at panagutin sa kanyang mga pag-aksyon. Galit na galit tayo kapag inaapi ang ating mga kababayan ng mga dayuhan kung sila ay nasa ibang bansa, pero mas nakakagali­t na kung mismong kababayan mo pa ang siyang aapi at mananakit sa yo. SA mga pasaway at matitigas ang ulo na mga Pinoy, sisiguradu­hin ng kapulisan na hindi n’yo sila malusutan para makapasok kayo sa mga sementeryo, memorial parks at columbariu­m sa pagselebra ng All Saints Day at All Souls Day. Simula kahapon hanggang Nob. 4, magde-deploy ng kabuuang 15,629 na unipormado­ng pulis sa mga naturang mga lugar para panatilihi­n ang kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na walang makadadala­w sa kanilang lumisan na mahal sa buhay para maiwasang kumalat ang COVID-19. Nagtalaga rin ng 2,967 police assistance desks (PADs) samantalan­g 26,478 na mga force umltiplier­s, tulad ng mga kagawad at tanod at mga security guards, ang tutulong sa mga pulis para panatilihi­n ang kaayusan sa bansa sa Nob. 1 at Nob. 2. Sinabi ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang hepe ng Joint Task Force COVID Shield, na noong nakaraang buwan pa ay may kautusan na ang IATF at mayors ng Metro Manila na isara ang mga sementeryo, columbariu­m at memorial parks sa pangambang dumugin ng mga Pinoy ang mga naturang mga lugar at lalong dumami ang dadapuan ng virus. Araguuyyyy! Hak hak hak! Alam naman natin mga kosa na kahit sarado nga ang mga sementeryo, aba may mga Pinoy talagang magpumilit na dalawin ang mga nakalibing nilang kamag-anak! Kung sabagay, kinaugalia­n na ng mga Pinoy na lumusob sa mga sementeryo, memorial parks at columbariu­m tuwing All Saints at All Souls Day. Sa totoo lang, milyong Pinoy ang gumugunita ng okasyon na ito at siyempre maraming problema ang iniwan nito, tulad ng nagkalat na basura at minsan may barilan pa dahil lang sa parking space. (Sundan sa page 3) (Sundan sa page 3) Huwag maging alipin ng mga anak. Gabayan lang sila pero hayaan mong sila ang humanap at bumuo ng kanilang kapalaran. Gastusan sila ngunit magtira ng para sa iyong sarili. Kung paano mo sila ini-spoil, dapat ganoon ka rin sa iyong sarili. Huwag kang umasa sa iyong mga anak. Kahit pa sila mapagmahal, darating ang panahon na magiging busy sila sa kanilang career at iyon ang uunahin nila. At kung magkaroon ng sariling pamilya, magiging poor second priority ka na lang. May mga anak naman na ang nasa isip ay may karapatan sila sa iyong kayamanan ngunit ikaw naman ay walang karapatan sa sarili nilang pera. Unfair di ba? Kaya endyoyin mo na ang perang pinaghirap­an mo hangga’t malakas ka pa. Sa libu-libong ektarya ng palayan na pag-aari mo, ilang cups lang ba ng rice ang nakakain mo sa isang buong araw? Sa malawak na mansiyon na pinagkakag­astusan mo ng buwis at renovation, mga 8 square meters lang ang kailangan mo para tulugan tuwing gabi. So anong point para magkandaku­ba ka pa sa katatrabah­o sa edad mong singkuwent­a pataas? Sa ginagawa mong pang-aabuso sa iyong katawan, lalo mo lang pinaaaga ang iyong kamatayan. Remember, hindi nabibili ang good health. Sa bawat isang araw ng kalungkuta­n, isang araw ang nababawas sa iyong buhay. Ngunit sa bawat isang araw na kasiyahan ay isang araw ang nadadagdag sa iyong buhay. Be happy. Humalakhak nang buong lakas. Enjoy life. Paalaala sa may edad ‘50 plus’ HUWAG mong tipirin ang iyong sarili. Gamitin mo ang iyong pera sa dapat mong pagkagastu­san. Gawin mo ang mga bagay na nagbibigay sa iyo ng kasiyahan, kung may sobra, ibigay ito sa kawanggawa. Huwag mong iiwan ang lahat ng iyong savings sa mga anak at apo. Lilikha ka lang ng “parasites” na ang tanging hihintayin ay ang kamatayan mo! Huwag mong problemahi­n ang mangyayari kapag wala ka na sa mundong ito. Ano pang mararamdam­an mo kung humalo na sa hukay ang katawan mong lupa? Hindi mo na maririnig ang mga papuri at pamimintas sa iyong pagkatao. Pr inted and dist r ibuted by NewspaperD­i rect Copyright © 2010, South China Morning Post Publishers Limited • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • O R I G I N A L C O P Y • C O P Y R I G H T A N D P R O T E C T E D B Y A P P L I C A B L E L A W

© PressReader. All rights reserved.