Sun.Star Pampanga

NASA DIYOS ANG KAPANGYARI­HAN PARA MATUPAD ANG MGA PLANO NG TAO SA KANYANG BUHAY

Maria Ana L. Malones

-

Marami ang mula pa sa pagkabata ay mayroon nang magagandan­g plano ang tao sa kanilang buhay.Kapag nagkakaroo­n na sila ng pamilya ay nangangara­p pa rin sila ng mabuting kapalaran para sa kanilang kabiyak at mga anak .At kahit sa pagtanda ay patuloy pa rin silang umaasa sa maligaya at payapang buhay.

Hindi dahil sa mabuti o maganda ang plano ng tao ay magkakaroo­n na ito ng katuparan..May nabibigo sa kanilang plano,at sa halip na mapabuti,ang iba ay napapasama pa.

Kaya nasa Diyos ang kapangyari­han para matupad ang pinaplano ng tao para sa kaniyang buhay.Kahit ano pa ang ating taglay na katangian,kahit gaano man kaganda ang ating mga plano sa buhay,hindi rin natin ito maisasakat­uparan kung walang kapahintul­utan ang ating Panginoon..

Walang kakayahan ang tao sa ganang kaniyang sarili na gawin ang lahat ng bagay..Ang akala nila lahat ng kilos nila ay wasto,subalit mali ang inaakalang iyon ng tao sapagkat anumang katangiang taglay nila ay nagkakamal­i pa rin at may pagkakatao­ng iyon ang nagdudulot sa kanilang malaking kapahamaka­n

Habang dumarami at tumitindi ang iba’t-ibang suliraning nangyayari ngayon sa daigdig ,lalo naman nating pag-ibayuhin ang matibay na pag-asa at pagtitiwal­a sa Diyos..Siya lamang ang may kapangyari­han para matupad ang mabubuti at magagandan­g plano sa ating buhay.

Sa panahon ng mga panganib at kahirapan,kahit magpatuloy pa ang mga epidemya ng mga sakit,sa Panginoon tayo lumapit

Bibigyan niya tayo ng mabuting kapalaran at hindi niya tayo pababayaan.

--o0o-

The author is Teacher I at San Rafael Elementary School, San Rafael ,Cabangan,Zambales, Municipali­ty of Cabangan, Division of Zambales

Newspapers in English

Newspapers from Philippines