Tempo

Man shot dead in Manila

- (Analou de Vera)

Patay ang isang lalaki matapos pagbabaril­in sa Malate, Manila kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Manila Police District ang biktima na si Marion Josef del Rosario, 24.

Ayon sa MPD, pauwi ang biktima kasama ang kaibigang si Keith Ibanez, 24, sa Estrada St. pagkatapos kumain sa isang steakhouse sa Malate nang dumating ang isang taong nakasakay ng orange na motorcycle at nakasuot ng helmet.

Bumunot ng baril ang suspect at binaril ang biktima sa ulo na kaagad nitong ikinamatay. Tumakas ang suspect samantalan­g humingi ng tulong si Ibanez upang maipagbiga­y alam ang insidente sa mga otoridad.

Narecover ang isang basyo ng bala malapit sa katawan ng biktima. Dinala ang bangkay ng biktima sa Cruz Funeral Homes sa Manila.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines