Ac­tor finds work­ing with Uge a breeze

Tempo - - Entertainment - (Ruel J. Mendoza)

PARA sa Ka­puso hunk na si Aaron Yanga, hindi raw tra­baho ang gi­na­gawa nila sa set ng “Dear Uge” dahil so­brang gaan daw ka­tra­baho ng mga kasama niya, lalo na ang bida rito na si Eu­gene Domingo.

Si Aaron ang po­lice­man-lover ni Uge sa nat­u­rang com­edy an­thol­ogy.

“Walang stress ka­pag nasa set kami ng ‘Dear Uge.’ Parang naglalaro lang kami.

“Ka­pag nasa mall ako, nakik­i­lala nila ako dahil sa show. Kaya alam kong may nakaka­panood ta­laga ng show namin,” ngiit pa niya.

For­mer model si Aaron na nakat­a­pos ng kur­song In­for­ma­tion Tech­nol­ogy. Su­mali rin siya sa 2011 Mos­simo Bikini Sum­mit kun­saan nakasabay niya ang ak­tor na si Kiko Matos at ang TV5 reporter na si Ren­zie Ongkiko.

“Ilang years din akong nag­model for dif­fer­ent de­sign­ers. Hang­gang sa du­mat­ing ang mga Brazil­ian-Ja­panese mod­els, nawalan kami ng tra­baho.

“Wala kam­ing la­ban kasi mas matatangkad at mas malalaki katawan nila sa am­ing mga Pi­noy mod­els. Kaya show­biz na ang pina­sok ko,” sey pa niya.

Sa GMA-7 ay lum­abas siya sa mga tele­serye na “My Faith­ful Hus­band,” “Pin­u­lot Ka Lang sa Lupa,” “Alyas Robin Hood” at “Im­pos­tora.”

Ang yu­maong film di­rec­tor na si Gil Portes ang naka-dis­cover

kay Aaron noong 18-years old siya. Nakita raw siya ni­tong bu­mibili sa isang tin­da­han.

“Hindi ko alam na di­rec­tor pala siya. Ti­nawag niya ako tapos pinatang­gal niya ‘yung t-shirt ko. Ako na­man, sumunod. ‘Yun pala nagha­hanap sila ng isang puwe­deng gu­manap na lalake sa movie niya na ‘Bayang Mag­iliw.’

“Yung first scene ko doon love scene agad with Ellen Adarna. Baguhan pa rin si Ellen noon. Kaya hindi ko malil­imu­tan si Di­rek Gil dahil sa pina­gawa niya sa akin.

“Sa last movie na dinirek niya na ‘Moon­light Over Baler,’ sinama niya ako sa cast. It was an honor to have worked with him,” pag­ta­pos pa ni Aaron Yanga.

(In­sta­gram)

AARON Yanga

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.