!NA #APRI GUSTONG MAKATRABAHO ULIT SINA .ORA AT 6ILMA

Tempo - - Entertainment - By GLEN P. SIBONGA

MEM­O­RABLE para kay Ana Capri ang pagka­panalo niya ng Movie Sup­port­ing Ac­tress of the Year para sa pe­liku­lang “Laut” sa nakaraang 33rd Star Awards for Movies ng Philip­pine Movie Press Club.

Kasabay rin kasi niyang nanalo ng gabing iyon ang kanyang mga ido­l­ong sina Su­per­star Nora Aunor at Star For All Sea­sons Vilma San­tos, na nag-tie para sa Movie Ac­tress of the Year. Siyem­pre nasak­si­han din niya ang bi­hi­rang pagsasama ng dalawang liv­ing leg­ends at icons ng Philip­pine show­biz nang parangalan ang mga ito ng spe­cial award na Gin­in­tuang Bi­tuin ng Pe­liku­lang Pilipino.

Kaya na­man sina­man­tala niya raw na maka­pagpa-pic­ture kina Ate Guy at Ate Vi pagkat­a­pos ng group photo ng win­ners. “Ang bait-bait nila pareho. Starstruck pa rin ako sa kanila kahit na isa ako sa win­ners ng gabing iyon. Sabi ko nga, ‘Ay naku, hindi ta­laga ako aalis ng stage na ito hangga’t hindi ako naka­pag-photo op kay Ms. Nora at Ms. Vilma,’” sabi ni Ana.

Ipinag­ma­malaki rin ni Ana na nakasama na niya sa magkahi­walay na pe­likula ang dalawang big stars, si Ate Guy sa “Pare Ma­hal Mo Raw Ako” (2016) at si Ate Vi sa “Dekada ’70” (2002).

Pag-alala ni Ana sa pag­ta­tra­baho nila ni Ate Vi, “Nung gi­nawa ko ‘yung ‘Dekada’ ang first kong ek­sena ay with Ate Vi agad. Mono­logue pa siya, siyem­pre kay Direk Chito Roño kailan­gan gu­ma­gawa ka ng home­work, di ba? Ta­pos nag-mono­logue ako ka­harap ko si Ate Vi. Alam mo ‘yung umaa­tras ta­laga ‘yung mga daliri mo sa paa sa ner­biyos. Ta­pos na­paka-sup­port­ive niya, kaya ayun ‘yung mga daliri ko me­dyo lumam­bot-lam­bot na.”

Kuwento na­man niya sa pagsasama nila ni Ate Guy. “Nagkasama kami sa ‘Pare Ma­hal Mo Raw Ako.’ Ta­pos girl­friend niya ako. Sabi ko nga kay Direk Joven Tan, ‘Hay naku kung kailan­gan diyan ng kiss­ing scene, I am will­ing to do that.’ If ever you will do that sa big screen, siyem­pre you’ll be proud dahil gi­nawa mo iyon with Nora.”

Pareho raw gen­er­ous at mabait sa co-ac­tors nila sina Ate Guy at Ate Vi kaya na­man gusto raw ulit makatrabaho ni Ana ang dalawa. Nang mala­man nga niya na open ang dalawa na mul­ing magsama sa isang pe­likula, wish ni Ana na sana ay ma­pa­bi­lang siya sa cast nito dahil an­other his­tory in the mak­ing daw ito.

ANA Capri

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.