Tempo

Trucks, closed vans bawal sa NLEX

-

Hindi muna padadaanin sa kahabaan ng North Luzon Expressway o NLEX at Subic-Clark-Tarlac Expressway o SCTEX ang lahat ng uri ng trak at mga closed vans mula Nobyembre 12 hanggang 15. Bahagi ito ng malawakang paghihigpi­t sa seguridad sa gananaping 31st ASEAN Summit and Related Summits. Kaugnay nito, iniutos ni Bulacan Governor Wilhelmino Sy-Alvarado ang paglilinis ng kahabaan ng Manila North Road o MacArthur Highway dahil dito inaasahang dadaan ang mga malalaking trak at iba pang sasakyang pangkargam­ento paluwas at galing ng Metro Manila. Nakalatag ngayon sa kahabaan ng SCTEX, NLEX at EDSA ang pinakamahi­gpit na antas ng seguridad dahil ito ang magiging ruta ng mga mga pinuno at delegado ng mga bansa na dadalo sa Summit.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines