Tempo

Constructi­on worker itinumba

- (Kate Louise B. Javier)

Patay ang isang constructi­on worker nang pagbabaril­in ng mga nakamotors­iklong salarin habang naglalakad para bumili ng sigarilyo sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng police ang napatay na si Rolando Binibini, 47, ng 1556 Bongavilla Street, Barangay 175, Camarin.

Base sa initial investigat­ion, naglalakad si Binibini sa Santan Street bandang 8 p.m. nang barilin siya sa ulo at katawan ng dalawang hindi kilalang lalaki. Namatay noon din ang biktima.

Ayon kay Edison delos Reyes, stepson ni Binibini, lumabas ng bahay ang kaniyang stepfather para bumili ng sigarilyo bago naganap ang insidente.

Sinabi ni Delos Reyes na hindi sangkot ang kaniyang stepfather sa drug activities at walang kaaway.

Na-recover ng police sa crime scene ang apat na basyo ng bala mula sa .45-caliber pistol.

Dinala ang bangkay ni Binibini sa Jara Funeral Homes para ma-autopsy.

Aalamin ng police kung may closed-circuit television (CCTV) malapit sa lugar ng krimen.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines