Goodbye BBL

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - First Page -

MAGUINDANAO – Nawawala na umano ang pagasang maisalba ang Bangsamoro Basic Law o BBL sa tiyak na kamatayan sa Kongreso habang patuloy ang pagpigil ng ilang mga mambabatas na maipasa ito sa kadahilanang hindi katanggap- tanggap ang mga probisyon nito.

Unconstitutional diumano ang maraming probisyon sa loob ng BBL at mistulang tanggap na ng Moro Islamic Liberation Front o MILF na malabo ng maipasa ang batas sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Sinabi naman ni MILF chieftain Murad Ebrahim na nakahanda na silang maghintay sa susunod na administrasyon kung sakaling mabalam ang BBL. Ngunit nilinaw nito na hindi nila tatanggapin ang anumang bersyon ng BBL maliban lamang kung ito ay naaayon sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro at Framework Agreement on the Bangsamoro na nilagdaan ng pamahalaang Aquino sa rebeldeng grupo.

Nakasalalay ngayon ang buhay ng BBL sa 16th Congress, ngunit sa tindi ng pag- ayaw ng mga Kristiyanong mambabatas sa mga probisyon nito ay hindi agad ito naipasa. May kanya- kanyang bersyon ng BBL ang Senado at Kongreso.

Naantala ng husto ang deliberasyon ng BBL sa Kongreso dahil sa naganap na pagpatay ng mga rebeldeng MILF sa 44 mga miyembro ng Special Action Force sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao, isa sa limang lalawigan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao, nitong Enero.

Continue to page 2

Sinampayan ng malaking tarpaulin ang bahaging ito ng Maguindanao na kung saan at isinisisi kina Senador Bongbong Marcos, JV Ejercito at Alan Cayetano ang kabiguan ng pamahalaan na maipasa ang Bangsamoro Basic Law. (Mindanao Examiner Photo)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.