Bank robbers, pinaghahanap

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - First Page - Examiner) (Mindanao

CAGAYAN DE ORO CITY – Isang malaking operasyon ang inilunsad ng pulisya upang madakip ang 4 kataong lumusob sa United Coconut Planters Bank sa Surigao City at tumangay sa halos P5 milyon.

Ayon sa ulat, hindi pa mabatid ang nasa likod ng bank robbery na naganap kamakailan matapos na madisarmahan ng mga ito ang dalawang mga tatanga- tangang security guards. Naagaw ng mga suspek ang armas ng mga security at siyang ginamit sa mga hintatakot na empleyado at customers sa loob ng bangko.

Tinangay rin ng mga armado ang mga salaping idedeposito sana ng mga customers. Hindi naman sinabi ng pulisya kung nakunan ba ng CCTVs o security cameras ng bangko ang kaganapan o kung may namukhaan sa mga salarin.

Patuloy ngayon ang imbestigasyon sa naganap, subali’t wala pa umanong lead sa kasalukuyan ang mga awtoridad kung anong grupo ang nasa likod ng nakawan.

POLITICAL ALLIES of Sulu Vice Governor Sakur Tan - former Tawi-Tawi Governor Sadikul Sahali and Basilan Governor Jum Akbar - during a recent get-together in Zamboanga City. Tan is running for regional governor in the Autonomous Region in Muslim Mindanao in next year’s polls.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.