Motorista, pinagiingat sa Kidapawan highway

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News - Iner) ( Mindanao Exam-

KIDAPAWAN CITY – Pinagiingat ngayon ng pulisya ang mga motorista at biyahero sa kanilang pagmamaneho sa highway matapos ng madugong aksidente na kumitil sa buhay ng 3 katao kamakailan lamang.

Nasawi ang mga biktima matapos na sumalpok ang kanilang Bongo truck sa mas malaking Coca- Cola truck sa highway ng Koronadal City sa Mindanao. Nakilala ang nasawi na sina Marco Fernando at Bonileo Vicente na pawang mga taga- Zamboanga City; at si Vicente Santos na tubongIlaga sa Isabela province.

Nabatid na may kargang mga daing at tuyo ang nasabing Bongo truck ng ito’y sumalpok sa papasalubong na truck na minamaneho ni Johnny Retardo – mula sa bayan ng Malalag sa Davao del Sur – na sugatan rin sa aksidente.

Halos mayupi naman ang harapan ng Bongo truck dahil sa malakas na pagkakasalpok nito at dead on the spot ang mga biktima na naiipit sa unahan ng kanilang sasakyan.

Nabatid na sumabog umano ang gulong ng Bongo truck kung kaya’t nalihis ito at sumalpok sa truck. Kinailangan pa ng crane upang matanggal ang malaking truck na umipit sa driver at kasamahan nito sa Bongo truck.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.