Pagpaslang kay Kapitan, wala pa rin linaw!

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News - ( E. Dumaboc)

ZAMBOANGA SIBUGAY – Wala pa rin linaw ang pagkakapatay sa isang barangay chairman na itinumba mismo sa kanyang lugar sa bayan ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay province.

Sinabi ng pulisya na patuloy pa rin ang imbestigasyon sa pagpaslang kamakalawa kay Arnel dela Cruz, ng Barangay Upper Tungawan. Nabatid na kandidato ito sa halalan para sa Sanguniang Bayan, ngunit hindi pa malinaw ang motibo sa kaso.

Tatlong armadong lalaki umano ang tumira sa biktima habang papauwi sakay ng kayang motorsiklo sa kanilang bahay.

Binaril sa ulo si Dela Cruz ng .45- caliber pistol at dalawang basyo ng bala ang natagpuan sa lugar. Walang ibinigay na pahayag ang pamilya ng biktima o kung may natatanggap itong banta sa buhay.

( Ely Dumaboc)

Sinusuri ng mga forensic experts o Scenes of Crime Officer ang bangkay ni Barangay Chairman Arnel dela Cruz matapos itong mapatay sa Barangay Upper Tungawan sa Zamboanga Sibugay sa larawang ito na inilabas ng pulisya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.