Pagpasok ng kontrabando, binabantayan sa Zambo

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News -

ZAMBOANGA CITY – Mariing ipinag- utos ni Mayor Beng Climaco ang mahigpit na pagbabantay sa Zamboanga City matapos ng sunod- sunod na pagkakakumpiska dito ng mga bigas at iba pang kontrabando na ipinuslit mula Malaysia.

Kamakailan lamang ay halos 100 sako ng bigas ang nabawi ng mga awtoridad habang ipinupuslit ito ng dalawang lantsa sa isang beach sa Zamboanga City. Mabuti na lamang umano at nai- timbre ito agad ng ilang residente sa pulisya.

At nitong Enero 22 rin ay sinalakay ng mga ibatibang law enforcement agencies dito ang isang barko na galing sa lalawigan ng Tawi- Tawi na kung saan ay nakumpiska ang daan- daang reams ng Fort cigarettes at 400 sako ng bigas at iba pang mga kontrabando.

Ibinigay sa Bureau of Customs ang mga epektos na nakuha mula sa MV Trisia Kerstine 2. Hindi naman agad mabatid kung paanong nakaalis ito ng Port of Bongao sa Tawi-Tawi lulan ang maraming mga kontrabando. Kamakalawa lamang ay nakapag-pulong si Climaco sa pamunuan ng Bureau of Customs sa City Hall.

Talamak ang smuggling sa Tawi- Tawi ngunit walang balita na may nakukumpiskang mga kontrabando ang awtoridad doon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.