The Mindanao Examiner Regional Newspaper

HEALTH: May Sakit: Ano Ang Dapat Kainin?

- Payo ni Dr. Willie T. Ong

1. LUGAW o am – Lagyan ito ng asin at konting ulam. Malambot ang lugaw, madaling tunawin at mainit pa sa tiyan. Mayroon itong carbohydra­tes na nagpapalak­as ng katawan.

2. Nilagang manok - Ang chicken soup ay nagpapabil­is sa paggaling ng trangkaso at sipon. Ito ay dahil sa taglay nitong cysteine, isang natural na amino acid. Masustansy­a ang sabaw nito at nagpapalab­naw din ng plema.

3. Saging – Ang saging ay may sangkap na “flavonoid leucocyani­din” na pinoprotek­tahan ang ating tiyan laban sa ulcer. May potassium din ang saging na kailangan sa normal na pagtibok ng puso.

4. Kanin at isda – M a g a n d a n g kombinasyo­n ang kanin at isda dahil nakokomple­to nito ang protina na kailangan ng katawan. Sabawan din ang kanin para lumambot ito at madaling kainin.

5. Uminom nang maraming tubig para bumaba ang lagnat at huwag ma- dehydrate.

Mas maganda sa mayroong sakit na kumain ng madalas ngunit pakontikon­ti lamang. Ito’y para hindi mahirapan ang tiyan sa pagtunaw ng pagkain.

6. Tandaan: Magpahinga, inumin ang gamot at kumain ng tama. Iyan ang sikreto sa mabilis mong paggaling.

Bawasan o iwasan ang pagkaing ito:

1. Maaasim – Bawasan ang pag- inom o pagkain ng may calamansi, purong orange o lemon juice at suka. Nakadadagd­ag ito sa acid sa tiyan.

2. Maaanghang - Iwasan ang maaanghang dahil puwede itong makahapdi ng sikmura.

3. Maiitim na pagkain tulad ng dinuguan, tinta ng pusit at dark chocolate – Para sa may dengue, iwasan ang pagkaing maiitim dahil iitim din ang dumi at malilito ang mga doktor kung nagdugo ba ang tiyan ng pasyente.

4. Mamantika at matatabang pagkain – Nagpapabag­al ang mantika at taba sa galaw ng ating bituka. Dahil dito, mas tatagal ang acid sa ating tiyan.

5. Inuming may Caffeine tulad ng kape – Ang kape ay nagpapadam­i ng acid sa ating tiyan. Maraming pasyenteng may pangangasi­m ng sikmura ang gumagaling kapag itinigil nila ang pag- inom ng kape. Kung gusto pa ring uminom, hanggang isang baso lang ng kape ang puwede.

 ??  ?? Dr. Willie T. Ong
Dr. Willie T. Ong

Newspapers in English

Newspapers from Philippines