Pulisya, blangko pa rin sa atake sa bus

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News - ( Mindanao Examiner)

KIDAPAWAN CITY – Blangko pa rin ang kapulisan sa pagkakakilanlan sa bumaril sa isang pampasaherong bus sa North Cotabato na ikinamatay ng driver at isang sakay nito.

Dalawang iba ang kumpirmadong sugatan sa pamamaril na naganap kamakalawa ng hapon sa highway ng bayan ng Pikit. Nasawi sa atake angd river na si Tecson Tigas, 33; at pasaherong si Magdalena Cabaya, 43.

Nag- overtake umano ang dalawang lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo at saka niratrat ng backrider ang bus na pagaari ng Mindanao Star Bus.

Hindi pa mabatid ang motibo sa atake o kung may kinalaman ba ito sa may- ari ng bus o personal na away sa driver. Wala rin umako sa krimen at patuloy kahapon ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap.

Nawasak rin ang harapan ng bus matapos na bumangga ito sa nakaparadang truck. Walang inilabas na anumang pahayag ang pamunuan ng bus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.