Basketbol liga ng Kusug Tausug Partylist binuksan sa Zambo

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - Front Page - Dumaboc) ( Ely

TINAYAANG aabot sa 200 mga basketbolista ang sasabak sa isang liga matapos na pormal na magbukas sa Zamboanga City ang palaro na sinuportahan ng Kusug Tausug party- list.

Sinabi ni John Cariaga, isa sa mga orga- nizers ng liga, na umabot sa 28 ang teams mula Zamboanga at Basilan na sasabak sa liga. At nagkaroon pa sila ng mahabang motorcade dito.

“Malaking tulong ito sa mga kabataan dahil ito ang kauna- unahang liga na ganitong kalaki na sinalihan ng mga basketbolista mula sa ibatibang lugar. Ito ang mga programa na kailangan natin para sa mga kabataan, sports activity at camaraderie,” ani Cariaga sa Mindanao Examiner Regional Newspaper.

Maging si Konsehal Elong Natividad na siyang nasa likod ng maraming palaro dito ay nagpasalamat rin sa Kusug Tausug sa pangunguna ni Shernee Tan. “Maganda itong liga at maraming team na magagaling ang sasabak dito at magandang programa ito ng Kusug Tausug,” wika pa ni Natividad.

Ayon kay Cariaga, 3 hanggang apat na laro sa isang linggo ang isasagawa nila sa dalawang venue sa Zamboanga. Sinabi naman ni Tan na bahagi ng kanilang advocacy ang promotion ng ibat- ibang sports hindi lamang sa Zamboanga, kundi sa ibat- ibang lugar sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Pormal ng nagbukas ang liga ng basketbol ng Kusug Tausug sa Zamboanga City na nilahukan ng 28 teams mula Basilan at Zamboanga. ( Mindanao Examiner Photo)

( Mindanao Examiner Photo)

Pormal ng nagbukas ang liga ng basketbol ng Kusug Tausug parylist sa Zamboanga City na nilahukan ng 28 teams mula Basilan at Zamboanga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.