Maguindanao ibinigay ang suporta kay Sakur Tan para ARMM governor

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News - (Mindanao Examiner)

MAGUINDANAO – Ipinangako na, isinigurado pa ni Maguindanao Governor Toto Mangudadatu ang buong suporta nito at kanyang mga mayors kay Sulu Vice Governor Sakur Tan na tumatakbong gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ito ay matapos na magtungo si Tan kamakailan sa bayan ng Buluan na kung saan ay maiinit itong tinanggap ni Mangudadatu at mga lider ng Maguindanao, gayun rin ang mga kaanak ng gobernador.

Nagpulong pa ang mga ito ukol sa kandidatura ni Tan. Kasama ni Tan ang ibatibang mayor ng Sulu na nagbigay pugay rin kay Mangudadatu.

Kinumpirma naman ito ni Khalid Abdulmajid na isa sa mga kasamahan ni Tan at sinabi umano ni Mangudadatu na: “No amount of money can substitute your coming. I will urge my mayors to support your candidacy.”

Maging ang dating Buluan Mayor Jong Mangudadatu na kapatid naman ng gobernador ay nagbigay rin ng suporta kay Tan. “Vice Governor Sakur Tan is our father in Sulu,” ani ng dating alkalde.

Pinasalamatan naman ni Tan ang gobernador at kanyang mga mayors sa ibinigay na suporta sa kanya. “I am here more than a candidate, matagal na kaming may pinagsamahan ni Governor Toto Mangudadatu,” ani Tan.

Noong nakaraang buwan lamang ay pormal na inindorso si Tan ng Ompia na isa sa mga pinakamaimpluwensyang political parties sa Mindanao.

Sinabi ng Ompia party- na itinatag ng dating ARMM Governor na si Dr. Mahid Mutilan - na inindorso nila si Tan dahil sa kanilang malaking tiwala at paniniwala kay Tan at sa malinaw na plataporma de gobyerno nito.

Pinangunahan ni Aleem Abdullah Abubakar, ang presidente ng Ompia, ang pormal na proklamasyon nila kay Tan na ginawa kamakailan saMindanao State University sa Marawi City sa Lanao del Sur.

Maging ang video ng proklamasyon ay nag-viral na sa social media at sa ARMM Watch – ang Facebook forum ng mga Muslims sa ARMM at umani ito ng papuri sa Ompia na may libo-libong miyembro at supporters sa Mindanao.

Maging si Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong ay sumusuporta rin kay Tan, na isang pilantropo. At gayun rin sina Governors Nurbert Sahali, ng Tawi-Tawi; at Jum Akbar, ng Basilan.

Si ARMM gubernatorial candidate Sakur Tan kasama ang grupo ni Maguindanao Governor Toto Mangudadatu sa bayan ng Buluan. (kuha ni Khalid Abdulmajid)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.