Mga guro sa Maguindanao problemado sa seguridad

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News - (Mindanao Examiner)

MAGUINDANAO– Natatakot ngayon ang mga guro sa bayan ng Sultan Mastura sa Maguindanao province na magsilbi sa darating na halalan matapos na pasabugan ng granada ang 6 na paaralan doon.

Ayon sa isang guro, pinasabugan ang mga paraalan madaling araw ng Miyerkoles at granada diumano ang ginamit sa atake. Sa mga bintana inihagis ang mga granada, ngunit wala pang umako nito.

Ang mga paaralang pinasabugan ay ang Tapayan Central School, Dagurungan Elementary School, Tuka Elementary School, Darping Elementary School, Tareken Primary, at Simuay Seashore Elementary School na gagamitin sana bilang poling precincts ng Commission on Elections sa halalan sa Mayo 9.

Problemado ngayon ang mga guro sa kanilang seguridad dahil sa naganap. Tinitignan naman ngayon ng poll body kung isasalang ang mga guro sa halalan o ang mga parak at sundalo.

Sinabi naman ni Sultan Mastura police chief, Senior Inspector Wendylyn Banico, na walang nabawi nila ang mga basyo ng bala sa lugar at dalawang safety levers ng granada at mga pirapirasong plastic na posibleng pinaglagyan ng improvised explosives.

Malaki ang hinala ng pulisya na may kinalaman sa pulitika ang naganap. Ang Maguindanao ay isa sa 5 lalawigan ng napakagulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.