Sayyafs pinaghahanap sa Zambo

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News - Dumaboc) (Ely

ZAMBOANGA CITY – Patuloy ang operasyon ngayon ng mga awtoridad kontra Abu Sayyaf sa Zamboanga City matapos na mahuli kamakailan ang isang miyembro nito.

Nadakip ng pulisya at militar si Regin Onsing Nazirin, alias Abu Nawas, na sabit umano sa kidnappings at pagpatay ng halos isang dosenang sibilyan sa Lamitan City noon 2001. Positibo umanong kinilala ng ilang saksi si Nazirin kung kaya’t agad itong isinailalim sa imbestigasyon.

Natunton ito sa Barangay Baliwasan Seaside ng mga operatiba na may dalang warrant of arrest matapos ng ilang linggong surveillance operation doon.

Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag si Nazirin o ang pamilya nito sa kanyang pagkaka-aresto. Inaalam pa ng pulisya kung may mga kasamahan itong nagtatago rin sa Zamboanga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.