Alkalde, NPAs bumalik-loob sa Diyos dahil sa Jesus Miracle Crusade

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - Front Page -

CAGAYAN PROVINCE – Mahigit 100 katao, marami sa kanila ay pawang mga miyembro at supporters ng rebeldeng New People’s Army at isang alkalde sa sa Cagayan Cagayan province, province, ang ang nanumbalik nanumbalik sa sa Panginoon matapos na isuko ang mga sarili sa kapangyarihan ng pananampalataya dala ng Jesus Miracle Crusade International Ministry.

Sinabi sa Mindanao Examiner ni Bro. Danny Cuarteros, ng JMCIM, na mismong si Alkalde Leticia Sebastian ng bayan ng Jones sa Isabela province, ang kabilang sa mga nabaptismohan kamakailan lamang. At nangakong susuportahan ang mga krusada ng JMCIM sa kanyang bayan na kung saan ay aktibo ang NPA. Matatandaang napatay ng dikilalang salarin ang asawa ni Sebastian na si Jesus Sebastian na dating alkalde ng Jones habang nasa flag ceremony sa munisipyo noon 2002.

Ayon pa kay Cuarteros, kabilang sa mga bumalik sa Diyos matapos na mahikayat ng JMCIM ay ang mag-asawang commander na sina Ka Eloisa at Ka Lando na nangakong pababaptismohan ang mahigit sa 200 mga tauhan sa Marag Valley. Iniwan pa nina Ka Eloisa at Ka Lando ang kanilang mga armas at gayun rin ang kanilang mga kasamahan sa JMCIM choir sa kahabaan ng krusada.

“Victory in Jesus name through the leading prayer of our beloved and honorable Evangelist Pastor Wilde Estrada Almeda, the end-time prophet of God, at least 108 lost souls received water baptism in Jesus’ name mostly from Marag Valley together with Ka Eloisa and Ka Lando of the communist New People’s Army, who voluntarily surrendered to our dearest Lord Jesus,” ani Cuarteros.

Isinalaysay pa ni Cuarteros na pinasok nila ang Marag Valley at namudmod ng mga leaflets at flyers na kung saan ay sinasabing ang “Komunismo ay Satanismo” at ipinapakita ang isang duguang karit at martilyo na sumisimbolo umano sa “kamatayan.”

Nagkaroon pa umano ng milagro ang Diyos sa kasagsagan ng krusada at ng matapos na mabasbasan si Ka Eloisa ay nagulat pa ito ng biglang luminaw ang paningin ng kanyang mga mata na matagal na nitong iniinda. Hindi makapaniwala si Ka Eloisa sa milagrong ipinamalas ng Panginoon sa pamamagitan ng dasal ng JMCIM at pananalig sa salita ng Diyos.

“Grabe ang kagalakan ni Ka Eloisa dahil natanggap po niya ang kagalingan ng kanyang mga mata dahil bago ang krusada at tunay na malabo daw yun kanyang paningin. Kaya dumalo siya sa krusada ng Jesus Miracle Crusade at nag-observed kung totoo yun nakasulat sa atin leaflets at glory to God, napatunayan niya na ang Diyos na ating pinaglingkuran ay totoo at buhay.”

“At ang sabi pa niya ay nakita daw niya kami noon sa Zinundungan Valley sa Rizal sa lugar ng mga NPA kaso ay hindi nila kaya kaming galawin kasi ibinunyag niya na kapag nakikita daw nila yun grupo ng Jesus Miracle Crusade ay kinikilabutan daw sila at natatakot kung kaya’y grabe ang pagkilos ng mahal na Panginoon sa krusada,” patotoo pa ni Cuarteros.

Naalala rin ni Cuarteros na isa si Ka Eloisa sa mga nabigyan ng leaflets sa Marag Valley at nagtanong pa kung bakit ang nakasulat sa mga ito ay “Kumunismo ay Satanismo” at kung ano ang ibig sabihin ng duguang karit at martilyo. Sinabi pa ni Cuarteros na ipinaliwanag nito kay Ka Eloisa at sa mga iba pang residente doon na ang ibig sabihin ng simbolong duguang karit at martilyo sa leaflets ay sapagkat “kumikitil ang mga rebelde ng buhay at kung kaya naging Satanismo ang Komunismo.”

Dahil sa krusada at sa paniniwala sa Panginoon, humingi ng maraming leaflets si Ka Eloisa at nangakong tutulong sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos sa pamamagitan ng JMCIM sa kanyang nasasakupan sa Marag Valley na kilalang kuta ng NPA.

“Nakiusap si Ka Eloisa na bigyan namin siya ng maraming leaflets at siya na ang magpapaliwanag sa mga kasamahan niya at mga residente sa kanyang lugar ukol sa mga salita at milagro ng Diyos. At nagrequest pa sila na magdaos ng krusada ang JMCIM doon mismo sa Marag Valley at lahat po sila ay dadalo at magpapa-baptismo,” ani Cuarteros.

Nagsagawa rin ang grupo ni Cuarteros ng krusada sa bayan ng Gonzaga na kung saan ay dumalo si Minister Jun Esguerra at asawang si Sister Rachel Almeda na isa sa mga anak ni Evangelist Wilde Estrada Almeda, ang founder ng JMCIM.

Isa rin ang nasabing bayan sa mga kuta ng NPA at noon 2014 ay napatay ng mga armadong nakasuot ng uniporme ng pulis si Gonzaga Mayor Carlito Pentecostes Jr. at dalawang security escort nito habang sila ay nasa flag ceremony. Tumakas ang mga salarin sakay ng ninakaw na police car na natagpuang sunog sa nasabing bayan.

Samantala, Inamin rin ni Cuarteros na tinangka ng mga di-kilalang lalaking naka-motorsiklo na banggain at harangin ang kanilang sasakyan sa Gonzaga. Ngunit bigla na lamang tumakas ang mga salarin habang nagdarasal ang grupo ni Cuarteros at isang malakas na kalabog ang narinig sa bubungan ng kanilang sasakyan.

Isang malaking tipak ng bato ang bumagsak sa ibabaw ng sasakyan, ngunit laking gulat ni Cuarteros ng walang makitang marka o gasga man lamang sa bubungan.

Sinabi ni Cuarteros na maraming mga nakalinyang krusada ang JMCIM sa lalawigan ng Cagayan at Isabela at iba pang mga lugar sa northern Luzon na kung saan ngayon ay libo-libong miyembro ang nasa likod nito.

Jesus Miracle Crusade leaflets.

Ka Eloisa and her husband Ka Lando with Bro. Danny Cuarteros and other members of the Jesus Miracle Crusade during a crusade recently in Marag Valley in northern Philippines.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.