Bitay sa child rapist-murderer

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - First Page - Examiner) (Mindanao

DAVAO CITY – Nais ngayon ni President-elect Rodrigo Duterte na bitayin ang lalaking gumahasa at pumatay sa isang 3-anyos na batang babae sa Davao Oriental.

Hawak na ng pulisya ang isang suspek na nakilalang si Eduardo Agoncillo, 51, at patuloy ang imbestigasyon sa kanya ukol sa karumal-dumal na pagpatay sa bata sa Barangay Puntalinao sa bayan ng Banaybanay.

Matatanddang kumalat pa Facebook ang larawan ng batang babae na nakakulod at walang saplot ang pangibaba. Naunang inulat na nawawala ang bata at natagpuan na lamang itong patay nnoong nakaraang Sabado.

Dahil sa naganap, lalo naman lumakas ang panawagan ng publiko ng ibalik ang death penalty at ito rin ang isinusulong ngayon ni Duterte at bitay o public hanging ang kagustuhan nito.

Ayon sa ulat ng pulisya ay kapit-bahay lamang ng suspek ang pamilya ng biktima. Natagpuan ang bangkay sa isang liblib na lugar halos 200 metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.