Drug pusher itinumba sa Davao City

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News - (Mindanao Examiner)

DAVAO CITY – Isa na naman tulak ng droga ang napatay ng pulisya sa Davao City matapos na umano’y manlaban ito sa isang buybust operation na isinagawa ng mga undercover cops kamakailan.

Kinilala ng pulisya kahapon ang napaslang na si Darwin Pernia, 23, na isa umanong tulak sa Agdao district. Nabatid na nakatunog umano si Pernia sa naturang operasyon sa Barangay Lapu-Lapu at bumunot ng kanyang .38 caliber revolver at bago mabaril ang parak ay naunahan ito.

Nabawi rin sa suspek ang mga droga na hinihinalang shabu at kanyang baril. Nadala naman sa punerarya ang bangkay nito.

Naunang nagbabala si President-elect Rodrigo Duterte sa mga drug pushers at drug lords na bilang na ang kanilang mga oras. Hinimok rin ni Duterte ang publiko na arestuhin o patayin ang mga kilalang tulak ng droga at kriminal kung sila’y manlalaban.

Halos isang dosena na ang napapatay na mga hinihinalang tulak at kriminal sa Davao City sa mga nakalipas na lingo. At kamailan lamang ay binantaan rin ni Duterte ang 3 heneral ng pulisya sa Kampo Crame na mag-resign matapos nhitong sabihin na protector ang mga ito ng drug lords.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.