Imbestigasyon patuloy sa pinatay na asawa ni Vice Mayor

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News - Examiner) (Mindanao

TACURONG CITY - Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagkakapaslang sa asawa ni Vice Mayor Abdulwahab Sabal ng bayan ng Talitay sa magulong Maguindanao province matapos itong tambangan noon nakaraang linggo sa Tacurong City sa Sultan Kudarat province.

Nakilala ang nasawi na si Lilibeth Bagayawa na isa umanong parak at sugatan rin ang kasamang si Sammy Alimudin. Nabatid na kalalabas lamang mula sa Mercury Drug ang babae ng sila’y birahin ng mga armadong nakasakay sa isang motorsiklo.

Sinasabing galing ang mga biktima sa Davao City gamit ang isang pick-up truck at pabalik na sana sa kanilang lugar ng maganap ang ambush. Nabawi sa lugar ang mga basyo ng .45-caliber pistol.

Walang umako sa atake, ngunit kaaway ng pamilyang Sabal ang grupo ni Haron Buisan, isang lider ng ng Moro Islamic Liberation Front na ilang beses na nilang nakasagupa sa Maguindanao.

Tikom naman ang bibig ni Gov. Toto Mangudadatu sa walang humpay na karahasan sa kanyang lugar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.