Bigas ipinamahagi ng Kusug Tausug party- list

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - Front Page -

TAGUIG CITY – Namahagi ng mga bigas si Kusug Tausug party- list Rep. Shernee Tan sa ibatibang Muslim communities sa Taguig City bilang bahagi ng programa at tulong na rin sa mga nangangailangan ngayon buwan ng Ramadan.

Pinangunahan ni Tan ang pagiimpake ng mga bigas kasama ang pamilya, kaanak at mga kaibigan at volunteers ng Kusug Tausug at ipinamigay ito sa Blue Mosque at Maharlika.

Todo naman ang pasasalamat ng maraming mga Muslim sa natanggap na bigas at pinuri ang programa ng nasabing party- list.

N agpas ala mat naman si Tan sa lahat ng mga sumuporta sa kanya at sa Kusug Tausug na kabilang sa mga nagwaging party- list organizations sa nakaraang halalan.

“To everyone who helped, supported, prayed for and believed in Kusug Tausug, thank you for entrusting me with the responsibility of speaking on your behalf as your representative in Congress.”

“This is the victory of our people. This is our chance to let the nation hear our voice. This is our first step towards genuine reform. Let us not waste the blessing that Allah has bestowed upon us by making the most out of it and showing the world how bright we, the Kusug Tausug can really shine. Maraming- maraming salamat po sa inyong lahat,” Tan said.

Ipinangako pa ni Tan na tutukan nito ang mga ibat- ibang programa na makakatulong sa mga Muslim, hindi lamang sa Mindanao, ngunit sa buong bansa at abroad. “The welfare of the Muslim is our top priority now. Legislations will center on the welfare of all Muslims in the Philippines regardless of their tribe,” wika pa ni Tan, na kabilang sa pamilya ng mga pilantropo sa Sulu.

Si Tan ay anak ni Sulu Vice Governor Sakur Tan.

Rep. Shernee Tan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.