Hustisya para sa pinaslang na DENR official

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News -

KORONADAL CITY – Hustisya ang hinihingi ng mga kaanak at kaibigan ng isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources na walang pinatay matapos itong tadtarin ng bala dito.

Pinagbabaril si Dr. Noel Dungca, ang Chief Science Research Specialist at Program Coordinator ng DENR sa Region 12, habang nakasakay ito sa kanyang motorsiklo noon nakaraang linggo sa Barangay Sta. Cruz.

Hindi pa mabatid kung ano ang motibo sa pamamamaslang sa opisyal na ayon sa mga kasamahan ay mabait na tao. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang krimen.

Nabatid na naulila nito ang kanyang 7-anyos na pinagaaral sa kabila ng pagiging diabetiko. Hindi mabatid kung may personal itong nakaaway o wala o kung sino ang nagpatira sa kanya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.