Ateneo, nahagip ng malaking sunog

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News - (Mindanao Examiner)

ZAMBOANGA CITY – Lungkot pa rin ang nadarama ng maraming mga estudyante ng Ateneo de Zamboanga University isang linggo matapos na lamunin ng apoy ang ilang mga gusali sa paaralan.

Tinupok ng malaking sunog nitong Hulyo 7 ang mga gusali at masuwerteng walang nasawi o nasaktan na mga guro at estudyante.

Tumagal rin ng halos dalawang oras ang sunog na sinasabing nagmula sa cafeteria ng naturang paaralan. Ngunit patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection ukol dito.

Kabilang sa mga nasunog ay ang Manuel Sauras Hall – na kung saan ay naroon ang cafeteria at College of Law, ang Xavier Hall, Brebeuf Gymnasium at Kostka Hall.

Nadamay rin ang mga sumusunod na tanggapan - Assistant to the Academic Vice-president, Academic Vice-president, School of Education, School of Management and Accountancy, University Registrar, School of Liberal Arts, College of Nursing, Center of Information Technology Services at Computer Laboratories (Advanced and Basic Laboratories).

Naglabas agad ng anunsyo ang Ateneo na suspendido ang mga klase at pinayuhan ang mga estudyante na maghintay na lamang kung kailan ito babalik.

Nostalgia ang nadarama ng maraming mga estudyante at alumni sa naganap na sunog dahil naging bahagi ng kanilang buhay ang makasaysayang lugar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.