PH-EITI roadshow simula na

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News - (Malou Cablinda)

NAGLUNSAD SA ikatlong pagkakataon ng roadshow ang Philippine Extractive Industry Transparency Initiative (PH-EITI) sa Davao City.

Layunin ng PH-EITI na maipagpatuloy ang plataporma nito sa pamamagitan ng dayalogo ng pamahalaan at mga civil society representatives at industriya na may malaking kaugnayan sa mining, oil at gas.

Kabilang sa responsibidad ng PH-EITI ay ipakita sa mga kinauukulan kung ano ang kanilang binabayaran sa pamahalaan at sa panig naman ng gobyernon kung ano ang kanilang kinokolekta mula sa mga industriyang nabanggit, at kung saan ito napupunta.

Bahagi ng roadshow ang pagtalakay sa mga isyu tungkol sa share ng local governments sa national wealth, gayun rin ang patungkol sa management ng environment at social development funds. Bahagi rin ng programa ang group discussion at action planning.

Nagsimula ito sa Davao City at isasagawa rin sa, Cebu, Baguio, Surigao, Puerto Princesa sa Palawan, at Maynila. Isinusulong nito ang responsible mining sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.