'Kasalan ng Bayan' patok sa Kabacan

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News - (Rhoderick Beñez)

NORTH COTABATO - Halos tatlong dosenang magsing-irog ang pinagisa matapos na maikasal kamakailan sa bayan ng Kabacan sa North Cotabato province.

Mismong si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr ang nag-kasal sa 32 mga magkasing-irog na matagal ng nagsasama. Ito ay bahagi ng programa ni Guzman na tinawag na "Kasalan ng Bayan."

Lubos naman ang pasasalamat ng mga ito kay Guzman dahil sa libreng proseso ng papeles at pagpapakasal ang inihandog ng alkalde bilang bahagi ng 69th Founding Anniversary ng nasabing bayan.

Namigay rin ang alkalde ng isang unit ng motorsiklo sa selebrasyon ng "Trisikad at Tricycle Drivers and Operators Day.

(Mindanao Examiner Photo - Rhoderick Beñez)

Ang ilan lamang sa mga magsing-irog na ikinasal sa Kabacan sa North Cotabato province.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.