Aquino appointees sa pamahalaan sibak!

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News - Examiner) (Mindanao

DAVAO CITY – Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin ang libo-libong mga presidential appointees sa panahon ng Aquino administration dahil sa patuloy na reklamo ng korapsyon.

Pinangalanan rin ni Duterte ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board at ang Land Transportation Office na dalawa sa mga ahensya ng pamahalaan na may malaking problema sa isyu ng korapsyon.

“You know why, until now in my provincial visits, I still hear corruption being committed by people especially in the regulatory agencies, I would like to point out one – in the LTFRB. I forgot his name, but come to me and see me in Malakanyang. The LTO and those who are appointed to that position in the LTO, except the career (employees) consider you positions vacant as of this time, all of them lahat, it will number in thousands, consider yourself in the crucible of…the truth about corruption. I hate it I do not want to give this lightest headache to my fellow human beings,” ani Duterte.

Sa website ng LTFRB ay si Atty. Winston Ginez ang tumatayong chairman, ngunit si Martin Delgra III na ang inilagay ni Duterte sa nasabing ahensya, at si Edgar Galvante naman ang itinalaga ng Pangulong sa LTO ngayon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.