2 sa triplet ni Davao Mayor Inday Sarah, wala ng pintig ang puso

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News - Cablinda) (Malou

DAVAO CITY – Isang malungkot na balita ang bumulaga sa mga tagadavao City matapos na i-anunsyo Mayor Sara Duterte-carpio na 2 sa tatlong sinapupunan nito ang wala ng pintig ang puso.

At ang nalalabi ay kasalukuyang binabantayan ng kanyang mga duktor dahil sa mahinang pagtibok ng puso nito. Halos 2 buwan na ang sinapupunan ni Carpio ng una nitong ipaalam sa publiko noon nakaraang buwan na siya ang buntis.

Umani naman ng sarisaring komentaryo at awa mula sa mga netizens ang naging pahayag ni Carpio.

“God, pelase hear our prayers for Mayor Sara’s babies safeness, sana po maging maayos ang lahat hanggang sa pag-anak niya sa triplet,” ani pa ni Evelyn Lagrama.

Ginawa ni Carpio ang pahayag sa headquarters ng Task Force Davao sa Santa Ana na kung saan ay pormal ng pinangalanan nito si Col. Bernard Neri bilang bagong commander ng naturang anti-terror unit ng militar.

Pinalitan ni Neri si Col. Henry Robinson matapos itong sibakin sa kanyang puwesto dahil sa naganap na pambobomba sa night market sa Roxas Avenue na ikinamatay ng 15 katao at pagkasugat ng mahigit sa 5 dosenang sibilyan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.