Malaysia tutulong sa Pinas kontra Abu Sayyaf

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - First Page -

POSIBLENG makilahok ang Malaysia sa operasyon ng militar at pulisya kontra kontra Abu Abu Sayyaf Sayyaf upang upang tuldukan tuldukan ang ang patuloy patuloy na na ransom ransom kidnappings kidnappings at at terorismo terorismo ng ng notoryosong notoryosong grupo grupo na na nakipag-alyansa nakipag-alyansa sa sa Islamic Islamic State. State. Naunang sinabi ng Malaysia na handanghanda ito na sumabak sa Abu Sayyaf sa katimugan ng bansa matapos ng sunod-sunod na kidnappings ng mga tugboat crew members sa Sabah nitong taon. Halos walang kahirap-hirap ang Abu Sayyaf na pumasok sa Sabah sa kabila ng matinding seguridad na pinaiiral ng Malaysia.

Maging ang Indonesia ay handang sumabak sa anumang operasyon kontra Abu Sayyaf upang protektahan ang mga barko nitong dumaraan sa Sabah at naglalayag sa Pilipinas. Maraming mga Malaysian at Indonesian sailors ang dinukot ng Abu Sayyaf at pinalaya sa Moro National Liberation Front kapalit ng limpak-limpak na ransom.

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan talaga ng kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas, Malaysia at Indonesia upang matutukan ng husto ang problemang dulot ng Abu Sayyaf.

“There is a need for us, the three countries Malaysia, Philippines and Indonesia, to talk about this seriously and to put a stop because it has somehow paralyzed the trade and commerce in that area,” ani Duterte said.

May hiwalay na border patrol agreement ang Pilipinas sa Malaysia at Indonesia at taon-taon ay nagsasagawa ng military exercises ang tatlong bansa, ngunit tila wala rin itong saysay dahil bigo ang mga ito na pigilan ang karahasan ng Abu Sayyaf sa karagatan ng Sabah.

Sinabi ni Duterte na tinalakay rin nito ang isyu ng seguridad kay Pangulong Joko Widodo ng ito ay magtungo sa Indonesia. Pumayag na rin ang Indonesia na muling maglayag sa bansa ang mga barkong may dalang coal matapos itong suspindihin nitong taon dahil sa Abu Sayyaf kidnapping ng mga tugboat crew members.

Maging ang Malaysia ay pumayag na muling buksan ang border nito sa mga ferry na bumibiyahe mula Zamboanga patungong Sandakan. Isinara ng Malaysia ang border nitong taon lamang dahil rin sa atake ng Abu Sayyaf doon.

Lubos naman ang pasasalamat ni Sulu Gov. Totoh Tan sa muling pagbubukas ng Sabah border dahil maraming mga negosyante mula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang apektado nito.

Matatandaang nakiusap si Tan sa pamahalaang Malaysia na muling buksan ang border upang maibalik ang negosyo sa pagitan ng ARMM at Malaysia. Noong nakaraang buwan ay nagtungo naman sa Sulu ang Malaysian peacekeepers at nakipagkita kay Suluvice Gov. Nurunisah Tan at nagpasalamat sa suporta ng lalawigan sa peace process.

Pinangunahan ni Maj. Gen. Datuk Wira Zamrose bin Mohd Zain ang International Monitoring Team at kasama nito sina Colonel Mohd Zaki bin Abu, Lieutenant Commander Syamer bin Usdon, Major Mohd Noor Yasdie bin Yahya, Karamuddin bin Sulaiman, Mohd Nor Akmal Danish bin Abdul Rahim Liarba, Abdul Rahman bin Abdullah at Abdul Jafri bin Mohd Sharif.

Naroon rin sina Lt. Col. Abdurasad Sirajan, Sgt. Philip Villamar, Cpl. Richard Anthony Abbu at Pfc. Jolibert Tupaz ng Philippine Army. At nakipagkita ang rin ang mga Malaysian kay dating Sulu Gov. Sakur Tan na kung saan ay nagpasalamat rin ang grupo sa malaking ambag sa peace process nito.

(Photo courtesy of VAT-69 Malaysia)

Elite members of the Royal Malaysia police commandos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.