Sagupaan patuloy pa rin sa Mindanao

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - First Page -

CAGAYAN DE ORO CITY Patuloy pa rin ang sagupaan sa pagitan ng militar at rebeldeng komunista sa malaking bahagi ng Mindanao habang nagkukumahog naman ang peace negotiators ng magkabilang panig na maibalik ang nabasurang paguusap.

Tinanggihan ng National Democratic Front, ang political wing ng Communist Prty of the Philippines, ang pagbasura ni Pangulong Rodrigo Duterte sa peace talks at sinabing dapat matuloy pa rin ito sa kabila ng mga labanan.

Ibinasura ni Duterte ang peace talks matapos na bawiin ng New People's Army ang unilateral truce nito dahil sa pagtanggi ng Pangulo na palayain ang mahigit sa 400 rebeldeng nakapiit sa mga bilangguan. Nais ni Duterte na magkaroon muna ng peace accord bago palayain ang mga ito. Kamakailan lamang ay inakusahan ng Eastern Mindanao Command ang rebeldeng grupo ng pananambang sa kanilang aid convoy para sa mga biktima ng lindol sa bayan ng Malimono sa Surigao del Norte.

Sinabi ni Army Major Ezra Balagtey, ang spokesman ng Eastern Mindanao Command, na niratrat ng mga rebelde ang convoy noong nakaraang linggo at nagkaroon ng palitan ng putok, subali't wala naman inulat na sugatan o nasawi sa magkabilang panig.

Agad kinondena ng militar ang naturang atake. “We condemn in the strongest terms the action of the NPAS that despite their declaration of ceasefire they ambushed an aid convoy that delivered relief goods to the victims of the earthquake in Surigao. This atrocity by this armed lawless group has added to the suffering and misery of the people who are trying to recover from the devastation brought by the earthquake,” pahayag pa ni Balagtey sa Mindanao Examiner.

Mariing pinabulaanan naman ng NPA ang paratanang ni Balagtey at sinabing pakana lamang ito ng militar upang siraan ang rebeldeng grupo. Matatandaang ipinag-utos ng NPA ang isang temporary ceasefire sa lalawigan upang makapasok ang mga relief aids doon.

Nagkaroon rin ng malaking sagupaan kamakailan lamang sa bayan ng Lupon sa Davao Oriental. Naganap ang labanan sa Barangay New Visayas, ayon kay Balagtey. Inakusahan ng militar ang NPA ng pagbihag sa isang kapilya, mga sibilyan kabilang ang bata at babae - at ginamit na "human shield" laban sa mga humahabol na tropa.

Hinarang rin umano ng NPA ang isang highway sa Lupon kung kaya't hindi makadaan ang mga biyahero at motorista.

“We lament the NPAS conduct of road block disturbing the economic activity of the area and the use of children and women and a chapel as part of their diversionary act against pursuing troops,” ani Balagtey. “These condemnable acts are manifestation of the gross disregard of the NPAS of human rights, especially that of the children and the elderly.”

Ang enkuwentro ay sa pagitan ng 28thinfantry Battalion at malaking grupo ng NPA. Nabawi sa lugar ang 14 na backpacks na naiwan ng mga rebelde.

Sinabi naman ni Rigoberto Sanchez, isang spokesman ng rebeldeng grupo, na tagumpay ang NPA sa pagtatanggopl sa kanilang mga teritoryo sa kabila ng all-out war na idineklara ni Duterte.

“The all-out war and all its attendant human rights violations mock the Armed Forces of the Philippines (AFP) and the Philippine National Police’s (PNP) grandstanding of advocating peace. The NPA in the region, meanwhile, having gone through the brunt of the monumental failure Oplan Bayanihan, is ready to defend the masses and the victories of the people’s war in the face of the Duterte government’s allout war under the current Oplan Kapayapaan,” sabi pa ni Sanchez.

“This early, the all-out war against the NPA forcibly ordered by the hawkish generals of the AFP is taking its toll on their foot soldiers in southern Mindanao. Meantime, AFP and PNP troops in southern Mindanao have gone berserk in their fascist attempts to supposedly hit hard the region’s NPA units, all the while victimizing civilians and activists in their wake,” dagdag pa nito.

Bihag pa rin ng NPA ang 3 sundalo at naglabas ito ng proof of life nina Sgt. Solaiman Calocop at Pfc. Samuel Garay na nadakip sa bayan ng Colombio sa Sultan Kudarat. Nanawagan ang 2 sundalo sa pamahalaan na itigil ang rescue operation sa kanila at posibleng malagay sa panganig ang kanilang buhay.

Iniimbestigahan ng NPA ang mga sundalo kaugnay sa human rights violations ng kanilang unit - ang 39th Infantry Battalion, ayon naman kay Dencio Madrigal, ang spokesman ng Valentin Palamine Command, sa hiwalay na pahayag nito sa Mindanao Examiner.

“The two (soldiers) are presently being investigated for their involvement in the crimes perpetrated by the 39th Infantry Battalion against the people and the revolutionary movement,” ani Madrigal.

“The two prisoners of war also appealed to their battalion commander and the Armed Forces of the Philippines to cease all military operations as these only endanger their lives and safety. At present, however, combat troops of the 39th Infantry Battalion are still operating in Sultan Kudarat while their peace and development outreach program teams continue to make peasant and Lumad communities as military garrisons,” dagdag pa nito.

Ilang dekada na rin nakikipaglaban ang NPA sa pamahalaan upang maitatag ang sariling estado sa bansa.

A photo from the Philippine Revolution Web Central shows female fighters of the New People’s Army.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.