Pagsibat ng ‘DDS’ killer, binatikos!

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - Front Page -

DAVAO CITY – Umani ng batikos ang mga awtoridad matapos itong mabigo na masampahahan agad ng kaso si dating Davao City policeman at self-confessed killer na si Arthur Lascanas na nakasibat ng bansa patungong Singapore.

Inamin ni Lascanas sa isang pagdinig sa Senado ang pagpatay sa mramaing mga kriminal sa kautusan diumano ni dating Davao City Mayor at ngayon Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Lascanas ay miyembro siya ng binansagang Davao Death Squad (DDS) na una nitong itinanggi sa ibang pagdinig ng Senado kaugnay sa extrajudicial killings sa Davao.

Bumaligtad si Lascanas at sari-saring akusasyon na ang ibinato nito kay Duterte tulad rin ng mga alegasyon ng isa pang self-confessed killer na si Edgar Matobato na dati nang nagsabi na kasama niya ang si Lascanas sa DDS.

Dumipensa naman ang Bureau of Immigration sa pagpayag nitong pagsibat ni Lascanas at sinabi wala umano itong hold departure order o kasama sa lookout bulletin. “Palpak talaga itong Immigration at ni hindi man lamang idinulog sa Department of Justice o NBI o CIDG o kay Tatay Digong ang pagsibat ni Lascanas. Palpak rin ang mga awtoridad dahil hindi agad nila sinampahan ng kaso si Lascanas,” ani Melvin Gonzales, na isang “DDS” rin o “Die-hard Duterte Supporter.”

Sinabi naman ni Lascanas sa media na may banta sa kanyang buhay at natatakot sa kanyang kaligtasan. Maging si Matobato ay nagtatago na rin, ngunit may hinalang hawak ito ng ilang mga alagad ng Diyos at pulitiko na kontra kay Duterte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.