Hustisya sigaw ng ARMM sa pagpatay sa duktor!

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News - Examiner) (Mindanao

COTABATO CITY - Isang linggo matapos na mapaslang sa isang duktor na kapatid ng isang mataas na opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Cotabato City ay patuloy pa rin ang paghingi ng hustisya sa kamatayan nito.

Napatay ng isang armado si Dr. Sajid Sinolinding at bodyguard nitong si Mohammad Esmael sa loob mismo ng kanyang klinika sa Cotabato Doctors Clinic, Inc. sa kahabaan ng Sinsuat Avenue.

Nagpanggap na pasyente ang salarin upang makapasok sa klinika at doon nito binaril sa ulo ang duktor na nakababatang kapatid ni Health Secretary Dr. Kadil Sinolinding.

Hindi pa mabatid ang motibo sa pamamaslang at kung paano nakapasok ang killer sa pagamutan ng hindi man lamang natunugan ng security guards ang dalang armas nito.

Mariing kinondena ni ARMM Gov. Mujiv Hataman ang pagpatay kay Sinolinding. Sinabi ni Hataman na isang mabuting ito at kilala sa pagiging matulungin at pagtulong sa mga mahihirap.

“We strongly condemn and denounce this act of violence committed against a dedicated health worker, one of the rare few who continue to serve the people with integrity and a sincere desire to uplift the lives of the Bangsamoro. Trust that the regional government is exerting all efforts to help bring the perpetrators to justice,” ani Hataman.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.