HEALTH: Palakasin Ang Immune System

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - News - Payo ni Dr. Willie T. Ong

SABI nga ng iba, “Bawal magkasakit!” Paano ba tayo iiwas sa sakit? Magagawa ito kung mapapalakas natin ang depensa ng katawan. Ito ang ating mga white blood cells (puting selula) na pumapatay sa mga mikrobyo, bacteria, virus, at cancer cells. Dalawang klaseng white blood cells: may T cells (gawa ng Thymus gland) at B cells (gawa ng bone marrow).

Paano sinusukat ang immune system? Puwedeng tingnan ang dami ng iyong white blood cells (WBC) sa dugo. Ang normal na dami ay 4 to 10. Ang mababa ay 3 to 4. Ang sobrang baba ay wala pang 3. Heto ang mga paraan para maging malakas at masigla ang ating white blood cells:

Palakasin ang white blood cells sa pamamagitan ng paginom ng isang multivitamin araw-araw. Kadalasan ay kulang tayo sa zinc, selenium, iron, vitamins B, C at D. Kung tayo’y nagdidiyeta o may sakit, ugaliing uminom ng vitamins.

Kumain ng maberde at mapupulang pagkain tulad ng mga gulay, carrots, kalabasa at kamatis.

Mag-ehersisyo pero huwag sobra. Ayon sa isang pagsusuri, mas kaunti ang nagkakasipon kapag regular ang pag-e-ehersisyo.

Mag-relax at magpahinga. Mag-aral ng iba’t ibang paraan para magrelax. Puwede ang yoga, masahe, meditation at pagbabakasyon.

Magkaroon ng kaibigan o kapamilya na susuporta sa iyo. Malaki ang maitutulong niyan sa pag-iwas sa sakit.

Matulog. Kapag may sakit na, kailangan ng katawan ang pahinga. Ang mahimbing na tulog ay talagang nagpapalakas sa ating katawan. Dito inaayos ng ating katawan ang mga nasirang selula.

Huwag masyadong magpaaraw. May tulong ang kaunting araw sa paggawa ng Vitamin D sa katawan.

Pero ang sobrang pag-pa- paaraw ay nakasasama sa immune system.

Uminom ng 10 basong tubig. Basta may sa-kit, kailangang uminom nang maraming tubig para mailabas ang toxins at init (lagnat) sa katawan.

Huwag agad-agad uminom ng antibiotics. Ka-ramihan ng mga sipon at trangkaso ay galing sa virus. Hindi ito mapapagaling ng antibiotics na pu--mapatay lang ng bacteria. Ang sobrang pag-inom ng antibiotics ay puwedeng makasama rin dahil nawawala ang mga friendly bacteria sa katawan. Magtanong muna sa doktor.

Magpabakuna. Ma--halaga ang bakuna para maprotektahan ang ating katawan. Sinasanay ng ba-kuna ang paglaban ng katawan sa mga espes-yal na mikrobyo. Sa mga edad 50 pataas, kailangan ng pneumonia vaccine at flu vaccine. Mahalaga rin ang Hepatitis B vaccine at Tetanus vaccine. Sa mga bata, kailangang kumpleto rin ang kanilang bakuna. Magtanong sa inyong doktor.

Dr. Willie T. Ong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.