Nur Misuari, ipina-aaresto!

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - First Page -

MIPINA-AARESTO ng Sandiganbayan si Moro National Liberation Front chairman chairman Nur Nur Misuari Misuari matapos matapos itong itong akusahan akusahan ng ng graft graft at at malversation kaugnay sa P137 milyong mga libro at educational materials noon siya siya ay ay gobernador gobernador pa pa ng ng Autonomous Autonomous Region Region in in Muslim Muslim Mindanao. Mindanao.

Inakusahan ng Sandiganbayan si Misuari ng falsification ng mga dokumento at sa kautusan nito noon Agosto 31 at inilabas lamang kamakailan, sinabi nito na may sapat na kadahilan ang anti-graft court na ipag-utos ang pag-aresto sa dating rebel leader. “The Court finds that there is probable cause for the issuance of warrants of arrest against the accused,” ani pa ng Sandiganbayan sa 18 pahinang dokumento na inilabas ni Associate Justice Sarah Jane Fernandez at sinaligan naman nina Presiding Justice Chairperson Amparo Tang at Associate Justice Bernelito Fernandez.

Naunang kinasuhan ng graft at malversation ng Ombudsman si Misuari at iba pang opisyal ng ARMM noon Septyembre 2016sa alegasyong nagkaisa sila para sa pagbili ng mga libro at educational materials noong 2000. Kabilang sa mga akusado ay sina exdepartment of Education regional director Leovigilda Cinches, chief accountant Pangalian Maniri, accountant Alladin Usi, supply officer Sittie Aisa Usman, auditor Nader Macagaan at supplier na si Cristeta Ramirez.

Ibinasura rin ng korte ang omnibus motion nina Cinches at Macagaan na idismiss ang mga kaso laban sa kanila dahil wala umano itong basehan at upang igalang ang kanilang karapatan para sa mabilis na disposisyon ng mga ito.

Ayon kay Cinches, wala umano siyang kinalaman sa mga akusasyon at bintang dahil ministerial lamang ang kanyang tungkulin sa ARMM noong gobernador pa si Misuari. Ito rin ang depensa ni Macagaan at sinabing observer lamang siya sa procurement process at hindi kasama sa mga nag-approve o nagendorso sa naturang transaksyon.

Sinabi naman ng Commission on Audit na inaprubahan ni Misuari ang pagpapabayad ng ?137.5 milyon sa 5 supplier mula 2000-2001 at hindi rin umano ito dumaan sa public bidding. Naglabas na rin ang korte ng “hold departure order” laban kay Misuari upang hindi ito makalabas ng bansa.

Nahaharap rin si Misuari sa kasong rebelyon kaugnay naman sa atake ng mga rebeldeng MNLF sa Zamboanga City noon Septyembre 2013 na ikinamatay ng mahigit sa 200 katao sa halos tatlong linggong sagupaan na kung saan ay apektado ang 200,000 mga sibilyan.

Hindi naman agad makunan ng pahayag si Misuari na pinaniniwalaang nasa lalawigan ng Sulu kasama ang mga armadong tauhan nito. Naunang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon sa mga awtoridad na huwag darakpin si Misuari dahil sa peace process ng pamahalaan at inimbitahan pa nito ang “kaibigan” sa Malakanyang upang magsalita sa media.

Nur Misuari (Mindanao Examiner Photo)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.