Publiko, umalma sa malaking interest ng kuryente sa Zambo

The Mindanao Examiner Regional Newspaper - - First Page -

ZAMBOANGA CITY – Inalmahan ng publiko ang pagtataas ng interest rate ng Zamboanga City Electric Cooperative (ZAMCELCO) matapos itong ipatupad ngayon buwan lamang.

Sa bagong billing statement ng ZAMCELCO ay 10 porsyento agad ang interest nito sa mga hindi agad makakapagbayad ng kanilang kuryente. Hirap naman makunan ng pahayag ang manager ng electric cooperative na si Edgardo Ancheta na tila umiiwas sa media dahil na rin sa iba’t-ibang isyu ng ZAMCELCO.

Hindi pa mabatid kung aprubado ba ng National Electrification Administration ang biglang pagtatas ng interest rate sa mga consumers na hindi makakabayad sa takdang oras. Automatic na rin sa billing statement ang dagdag na interest.

Ito ay sa kabila ng mga malalaking kampanya at planta, at mga ahensya ng pamahalaan, kabilang ang City Hall na may utang sa ZAMCELCO. Bukod pa ang mga customers na umano’y malalaki ang utang, ngunit hindi naman piniputulan ng kuryente. At ang iba naman ay isinasailalim sa “re-structuring” ng kanilang utang at karamihan sa mga ito ay mistulang “very important persons” dahil hindi naman ito naibibigay sa ibang mga customers na may mga utang rin.

Talamak rin ang illegal connections sa iba’t-ibang barangay, ngunit hindi naman ito inaaksyunan ng ZAMCELCO at wala pang nabalitaanan na may idinemanda ito na magnanakaw ng kuryente. Sobra ang taas rin ng “system loss” ng ZAMCELCO dahil dito.

Lubog sa utang ang ZAMCELCO na tinatayang nasa mahigit P1 bilyon. Ilang manager na ang umupo sa ZAMCELCO, ngunit sinibak rin dahil sa iba’t-ibang eskandalo at anomaly. Bumili pa ang cooperative ng mga generator sets na hindi naman magamit upang mabigyan ng sapat na kuryente ang lungsod kung may blackout.

Isang billing statement mula Zamboanga City Electric Cooperative ang ipinakita sa Mindanao Examiner Regional Newspaper ng nag-reklamong customer at doon ay nakalagay ang 10% interest nito kung hindi makabayad sa takdang oras.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.