The Philippine Star

‘My Favorite Tinga’

-

Ano ang sukatan at para mo malaman

Ang sarap ng tsibog na iyong nilantakan?

Sa ganang kain, ngek! Sa ganang akin naman,

Namnam ko ‘yan sa dalawang pamamaraan.

Una, sa dami ng kanin na nilantakan,

Extra rice forever lalo’t Japanese pa ‘yan,

And secondly, pag no rice na kinain naman,

‘Yun bang ulam lamang ang tanging binanatan! Tutal kainan naman pinag-uusapan, Este, lamunan pala, ako’y ginanahan

Na ikwentong lahat pampangiti na tiyan;

Mga pagkain para sa akin ay yum, yum, yum!

At ‘yan, ‘yan, ‘yan… meron pa akong ugali d’yan

Na kapag sarap na sarap na at sukdulan,

Tuloy-tuloy ‘yan… walang inom-inom… ganyan,

At ang ingay-ingay ko hanggang katapusan.

‘Yung malakas sa kanin ang ating balikan —

At panga ng tuna nangunguna d’yan,

Hamachi… yellow tail… kahit ano’ng tawag man,

Amberjack o tuna… basta’t inihaw lamang.

At kung gusto n’yo pang lalong magkaulula­n,

Kalamansi at toyo ako’y inyong bigyan,

At para makumpleto “madugong labanan,”

Lato o ar-arosep ako ay hatagan!

At naturalmen­te may tomatoes

and onions,

Kung wala, atsara pwede nang pagtyagaan,

At kung may makukuha pang manggang pahutan,

Wow! Ayos na ayos na ang buto-buto n’yan!

At ‘yung walang kinaing kanin ano naman?

Nangyari ito kailan lang at minsan pa lang,

Ngunit ito na panalo sa mga ganyan —

Mga tipong pinapak lang at pinulutan.

And the winner… dyarannn! GILDA kanyang pangalan,

Ops, hindi po babae aking inupakan! Nang sa Basque Region of

Spain kami’y mapadaan, Doon sa Bilbao… Gildas ang kinabaliwa­n!

Gildas, o lollipop, sa kanya’y pinangalan,

Tapas s’ya o pintxos o sa ati’y pulutan,

Tusok-tuhog sa toothpick tatlo n’yang “tauhan” —

Guindilla at olive at anchovy

ang laman.

Guindilla o sili na kontingkon­ti anghang,

Nag-iisang anchovy na medyo inasnan,

At isang olive na buto ay tinanggala­n,

S’yempre naman ‘no… pa’no mo matututpik ‘yon?!

Basta’t naaalala ko nang s’yay matikman,

Sa isang buong araw s’ya lang inupuan,

Mga dalawampun­g Gildas ang aking bilang

At dahil sa kanya, Bilbao gustong balikan!

Para sa anak ko ay Boquerones naman, Ayos din sa’kin at white an

chovies naman ‘yan, Pero iba pa rin ‘yung may pinagsamah­an,

‘Yung assembly ng Gildas talagang number one.

May isa pang pagkakatao­ng nagkaganya­n

Nang sa Barcelona sa Espanya din minsan,

Nang Pulpo a la plancha aking matikman,

Mga limang platong octopus ang nilafang!

At ngayo’y nalalaman na ng buong bayan,

Gustong-gustong nilalamon at nilalaman

Ng inyong lingkod may kanin man o wala lang,

MY FAVORITE TINGA ang matatawag ko d’yan!

 ??  ?? That’s me holding one of the more than 20 Gildas I consumed that day in Bilbao, Spain! Inset: Naglalaway ako sa close-up na ito ng Gildas. Yum, yum, yum!
That’s me holding one of the more than 20 Gildas I consumed that day in Bilbao, Spain! Inset: Naglalaway ako sa close-up na ito ng Gildas. Yum, yum, yum!
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines