The Philippine Star

‘Sweet Sixties’

- JOEY DE LEON

Anong kanta ng Beatles ang tungkol sa street food? Eh di… “ISAW You Standing There!”

At ‘yay ni- record On Feb. din in 1963 sa Abbey Road! ‘ Yan sa Pinas ang FIRST Beatle song na sumabog! “Well my heart went boom!” And by heart we know all their songs! Talagang nagkaroon ng British Invasion! Kumbaga sa ngayon lahat may dalang cellphone! Nun ordinaryon­g may kipkip na Beatles album! Kung kaya turntables noon wari ring cellphone!

Yeah, yeah, yeah! Madalas din palit ng karayom!

Long hair na bigla ang buong male population!

To complete… may zipper na boots, mataas takong!

Maging “manyakis” ‘di nakakadyah­e noon!

Eh kasi nga may BEATLEMANI­A at in fashion! Humina barber shop, strong ang plaka sa Raon! Maraming babies bininyagan ng Paul and John! Eight days a week party! Here, there and everywhere pa! Nagsulputa­n ang combo at pag may grupo ka, Big time ang tipar mo at hindi ka lang plaka! Punch and cheese pimiento… Beatle music… ayos na! (To the tune of “Do You Want To Know A Secret”) You want to know how much I’m really gago

Nung party nun what do I really care Kitchen Nagse-serve kinukulet Dun ako pumapapel, whoa oh, oh Closer Pag close na ‘ko sa helper Say ko lang I like to her Gutom na ako

Naturalmen­te, I’m happy just to dance with you!

I want to hold your hand kung colegiala pa ‘to!

Nung panahong ‘yon maligaya na damuho

Kung kursunadan­g chick bigyan s’ya ng retrato!

Retrato o litrato, picture kaya’y photo, Kahit pa ID ay kinikilig na loko Gayong ang dedication lang sa likod nito Ay ‘yung mga “A simple remembranc­e” ang tipo!

Hebigat laban pag ang karibal mo hijo Ay mas pogi at rich at may Mustang na awto! Kung kaya para safe at makasigura­do, Huwag bumakod! Wallflower isasayaw mo!

Mabili kasi nun mukhang wild at a-gogo!

Lady presumed gaga is left sa chair ni Sluggo!

But don’t be judgmental if not tisay nagets mo,

Kasi ‘yung mga Beyoncé ‘di pa nun uso!

(To the tune of Baby’s In Black)

Oh dear What did you do Our baby is black And his eyes are blue Tell me Who daddy nito?!

Ops, ang mga may abs noon ay no pansin pa! Pag malaki katawan nun security ka! Ang English spokening? Hmmm… may puntos din s’ya,

Ngunit mas mahalaga… mabango hininga!

Op kors interkors, of equal na importansy­a —

Makiramdam at dapat may Putok Alert ka! At sa mga may tsikot makikibark­ada At baka magpahatid sa ‘yo kursunada!

Kakaunti o WALA pa nung retokada! Imbes botox ay borax pa para sa paa! Simple and sweet talaga Dekada Sisenta, Kaya pag-entra ng Beatles ay kitangkita!

(To the tune of I’m Looking Through You)

I’m looking through you Kitang-kita I thought I knew you Hindi pala You don’t look different

‘Cause you haven’t changed I’m looking through you Your shorts the same!

O kay sarap balikan mga alaala, Madali sapagkat palaging dala-dala! Higit ang Beatles at ang kanilang musika, Malamang hindi na ito mauulit pa!

 ??  ?? Ang Poet N’yo at The Cavern where the Beatles played during their early years
Ang Poet N’yo at The Cavern where the Beatles played during their early years
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines