Maja Sal­vador on bump­ing into an ex-boyfriend: 'Ma­pa­pansin mo, gumwapo ba o hindi?'

Watchmen Daily Journal - - Fun. Entertainment. Emotions. Lifestyle - (Rachelle Si­a­zon, Pep.ph)

Nili­naw ni Maja Sal­vador na hindi siya kailan­man nakaram­dam ng takot na makasalubong ang sinu­man sa kanyang ex-boyfriends. Lalo na't wala na­man siyang hi­nanakit sa mga ito. Hindi na bi­nang­git ni Maja, pero sina Ger­ald An­der­son at Ma'eo Guidi­celli ang ki­lalang nakare­lasyon ng ak­tres mula sa show­biz. Sabi ng "To Love Some Buddy" ac­tress, "Hindi 'yung dahil hindi ka pa naka­pag-move on, e. "Nan­dun 'yung, 'Ano nga bang mapi-feel ko ka­pag nakita ko?' "Siyem­pre magig­ing hon­est tayo, ma­pa­pansin mo kung tum­aba or pumayat? Gumwapo ba o hindi? 'Di ba, ga­nun na­man?" Mas gusto ba niyang mas fresh o 'yung nag­ing mukhang hag­gard 'yung ex niya pagkahi­walay nila? Nakangi ng sagot ni Maja, "Siyem­pre 'yung kahit papa'no mas fresh. "Walang echos! Wala ka na­mang ibang hiling kundi hap­pi­ness nila." Wala raw da­pat ipa­galala si Maja sa tuwing makakasalubong niya ang sinu­man sa kanyang exboyfriend. "In fair­ness na­man, 'pag may nakakasalubong akong ex ko, so­brang civil na­man." Ma­pa­pasam­bit daw siya ng "Uy!" sabay makikipag­tan­guan. Paglili­naw niya, civil pero hindi na­man daw siya 'yung pong ka‐close pa rin ang isang ex-boyfriend. Naka­panayam ng PEP.ph (Philip­pine En­ter­tain­ment Por­tal) si Maja sa press­con ng "To Love Some Buddy," kung saan selosang girl­friend ang gi­nagam­panang pa­pel ni Maja sa pe­likula.

Maja Sal­vador no bad blood with any of her ex-boyfriends: "In fair­ness na­man, 'pag may nakakasalubong akong ex ko, so­brang civil na­man."

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.