Watchmen Daily Journal

Vic Sotto plays matchmaker to son Vico, Tarlac Mayor Donya Tesoro

- (Rachelle Siazon, Pep.ph)

Pabirong napatawag kunwari si Vic Sotto sa anak na si Vico Sotto nang malamang walang manliligaw si Donya Tesoro.

Si Vico, 31, ay mayor ng Pasig City. Anak siya ni Vic sa dating partner na si Coney Reyes.

Si Donya, 29, ay mayor ng San Manuel, Tarlac. Ang ama niyang si Bening Tesoro ay dating mayor ng San Manuel at kasalukuya­ng nagsisilbi­ng vice mayor.

Parehong single sina Vico at Donya.

Parehong nagtapos ng master's degree sa Public Management sa Ateneo, at halos magkalapit ang edad.

Tiyempong kabilang si Donya sa mayors na sumalang sa "Bawal Judgmental" segment ng "Eat Bulaga!" noong Sabado, June 27.

Todo sa pang-uusisa ang Dabarkads na sina Jose Manalo at Paolo Ballestero­s sa love life ni Donya.

Base sa Q&A sa loob ng "Eat Bulaga" studio, tila nais nina Jose at Paolo na tuksuhin si Donya kay Vico.

Nakahalata naman si Vic na noon ay nasa bahay pero kasali sa virtual split screen.

Sabi ni Vic kina Jose at Paolo, "Diretsuhin mo na kaya! Andami mong palikuliko.

"Nakikinig ako rito, e.

Parang may pinupuntah­an

kayo."

Sabay tanong ni Vic kay Donya, "Mayor, may nanliligaw ba sa inyo?"

Sagot ni Donya, "Hi, Bossing! Parang wala. Parang ayaw nila sa akin."

NO TIME FOR LOVE

Biro naman nina Paolo at Jose, hindi sila naniniwala­ng single pa si Donya. Baka raw may nakaka-text ang dalaga at inililihim lang nito sa publiko.

Pero wala raw talaga siyang nobyo o kahit manliligaw sa ngayon, ani Donya.

Komento ni Jose, "Kasi sa tingin namin, Ma'am, sorry, ha, parang 'yung iba matatakot na manligaw, e. Kasi mayor kayo, e."

Paliwanag naman ni Donya, hindi niya priority ang love life sa ngayon dahil abala siya sa tungkulin bilang alkalde.

Kaya raw ginagamit din niya ang hashtag na "#notimeforl­ove."

Inalam pa rin nina Jose at Paolo ang hinahanap ng 29-year-old mayor sa isang potential boyfriend.

Sagot ni Donya, "Hindi ako particular sa looks, e. Basta hindi babaero, siyempre 'yung maiinintin­dihan 'yung trabaho ko, maka-Diyos."

Hirit ni Jose, "Kailangan mayor din mapangasaw­a mo, para mas magkaintin­dihan kayo."

 ??  ?? On Eat Bulaga's "Bawal Judgmental," Vic Sotto (center) makes like he is calling son Pasig Mayor Vico Sotto (left) when he learns that Tarlac Mayor Donya Tesoro (right) is still single and has no suitor right now.
On Eat Bulaga's "Bawal Judgmental," Vic Sotto (center) makes like he is calling son Pasig Mayor Vico Sotto (left) when he learns that Tarlac Mayor Donya Tesoro (right) is still single and has no suitor right now.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines