ASK DaNIel

YES! (Philippines) - - Cover Story -

What is the nicest thing some­one—who is not Kathryn—has done for you?

Marami na­man. Mas ano ako sa mga sim­pleng bagay, e. ’Yong hindi masyadong ob­vi­ous. Min­san sa akin, “Baka na­man nag­pa­paano lang, nag­pa­palakas lang sa akin ’to.” Meron ’yong mga gen­uine ta­laga na alam nila. Kun­wari nasa

tap­ing ako. Masaya na ako ma-of­fer lang ako ng up­uan ng isang crew

or staff. Malak­ing bagay na sa akin ’yon. May care lang sa ’yo. ’Yon lang na­man sa akin.

Name your least fa­vorite house­hold chore.

Maglaba. Kasi hindi ako marunong. Na­subukan ko na, hindi lang ta­laga para sa akin. Hindi hiyang, e. Hindi ako hiyang doon sa method ng paglal­aba. Nanay ko, ma­g­a­l­ing maglaba.

If you could do­nate a mil­lion pe­sos to a cause, what would it be?

Ako, gusto ’yong mga matatanda, e, mga nasa lansan­gan na matatanda. Pa­pa­gawa ako ng ma­gan­dang hous­ing para sa kanila. Mga matatanda na ini­wanan ng mga ab­nor­mal na anak. Maawain kasi ako. Ewan ko, naano ko sa er­mat ko ’yon. ’Tsaka sig­uro, mga an­i­mals din, shel­ters for them. Marami na akong dogs, mga twenty plus na aso, pero ’yong mga malalaki, di­nala namin sa farm, para makatakbo sila.

What’s one cool skill you wish you had?

Mag-draw­ing ’tsaka mag-sax­o­phone. Gusto ko mag-sax­o­phone. Unang-una, siyem­pre sa tunog, clas­sic, jazzy. Iba ’yong nabibi­gay ng sax­o­phone. Maglala­gay ka ng sax sa isang kanta, grabe ’yon. ’Tsaka so­brang iba ’yong feel­ing ng sax­o­phone pag naririnig ko. Sana may chance pa. Itatanong ko muna kung late na ba akong matuto. Kung hindi pa late, ma­gle-les­sons muna ako.

What is your fa­vorite meal?

Mahilig ako sa mga beef na may sabaw, pares, burger steak. Bata pa lang ako, pa­borito ko corned beef ta­laga. Ac­tu­ally, break­fast na mga pagkain. Hindi ako morn­ing per­son, pero gis­ing ako sa morn­ing. Kaya nakaka­pag-break­fast ako. Haha.

If you could live any­where for a year, where would you choose to live?

Ja­pan ako titira. Seek­ing ako sa kung paano sila doon. So­bra silang re­spon­si­ble na so­brang hard­work­ing na mga tao, pero at the same time hindi sila rude, so­brang ap­pre­cia­tive sila. Mare­speto sila sa kapwa nila. Work hard, party hard sila, e. Masyado silang mahilig mag­tra­baho. Wala na­mang masama doon. Astig sila, astig sila ta­laga.

What is the one thing that you had al­ways wanted as a kid, but you never got?

Sig­uro ’yong cell­phone. Alam mo ’yong N-Gage na phone? Uso ’yon no’ng grade school ako. Walang pam­bili, e. Never. Never na ’ko nabil­han. Ta­la­gang um­abot ako sa point na na­pa­panagini­pan ko pa ’yong cell­phone na ’yon.

Siyem­pre, bata ka no’n, e. Pero ’yon ang isang les­son ng buhay no’ng bata ako na natuto na­man ta­laga ako na mag­ing hindi ing­gitero, na mag­ing masaya para sa iba. Kasi pag nag­ing ing­gitero ka, wala, e, sasama lang ang ugali mo. So, no’ng bata ako, hindi ako ta­laga maram­ing laruan, mga ganyan. So, natuto akong mag-ap­pre­ci­ate kung ano’ng meron ’yong kaibi­gan ko. E, ’pina­pahi­ram din na­man nila, e.

[N-Gage is a Nokia de­vice that has the func­tions of a phone and a gam­ing sys­tem.]

What is one thing you refuse to share with any­one?

I refuse to share? Tooth­brush ko sig­uro. Haha! Hindi, ano ba’ng hindi ko mabibi­gay? Parang la­hat na­man, puwede mong i-share.

For what would you like to de­vote more time?

More time sig­uro sa pam­ilya ko, kailan­gan ko ng more time. Sig­uro mas fam­ily pa lang. Sa fam­ily, more on fam­ily, kasi lagi akong wala, e. On the road ako lagi, parang ba­hay ko ’yong auto, e.

Ngayon, kakat­a­pos lang no’ng La Luna San­gre. So eto, may free time ako kasama ang mga ka­p­atid ko. Close din kaya kami pag nagkakahuli­han ng er­mat ko sa ba­hay. One time, nagko-Korean-food kami sa ba­hay. Si er­mat din kasi, lagi na ring wala, di ba, ev­ery day sa tap­ing? Kaya no’ng du­mat­ing siya, do’n siya na nagluto ng mga kore-Korean namin. Du­mat­ing ’yong mga utol kong babae na mga Korean fa­nat­ics.

If you could bring some­one fa­mous back from the grave, who would you bring back?

Oh my God, ang hi­rap nito. Ang daming nawala… Nikola Tesla. Para mat­u­loy niya ’yong free en­ergy niya na da­pat niyang iha­han­dog sa mga tao. And si Nikola Tesla kasi, may i-of­fer siya bago siya ma­matay. May i-o-of­fer siya sa at­ing free en­ergy na wala na tay­ong gagas­tusin, free-flow­ing, hindi kailan­gan ng kahit anong sunugan.

[Nikola Tesla was an in­ven­tor, en­gi­neer, physi­cist, and fu­tur­ist. He died in 1943.]

How did you be­come in­ter­ested in Nikola Tesla?

Sig­uro kasi, nag­ing in­tere­sado ako sa ka­gaya ng gi­na­gawa ni Elon Musk ngayon. Di ba, kita mo ’yong gi­na­gawa niya? Imag­ine, mag­pa­p­atayo siya ng rocket papunta sa ibang planet, ’tapos pa­ba­lik. So, nae­ex­cite na ’ko sa puwede pang mang­yari sa mundong ito. In­ter­ested ako sa past and mod­ern tech­nol­ogy na tungkol sa en­vi­ron­ment natin, sa pag­babago, sa progress ng mundo ng ibang bansa, ng mundo natin.

[Elon Musk, a bil­lion­aire busi­ness­man, in­vestor, and en­gi­neer, is the chief ex­ec­u­tive of­fi­cer and lead de­signer of SpaceX, a pri­vate com­pany in the aero­space in­dus­try.]

How do you like to re­lax?

Re­lax? Ako, dream kong magkaro’n ng beach house or rest house. Wala pa. Pi­nag­ta­tra­bahuhan pa. Meron na ’ko sana isang get­away place ko lang… Pag­dat­ing mo do’n, meron kang bil­yaran, kasama mo ang buong pam­ilya mo or mga kaibi­gan mo. Isang place lang na tahimik na puwede ka ding mag-isa.

What was your fa­vorite child­hood game?

Lan­git-lupa at saka taguan sig­uro. Todo ’yong lan­git-lupa, e, kasi tak­buhan, e. The best ’yong tagu-taguan o bang-sak. Bang-sak na lang, ’yong taguan na may ha­long hab­u­lan. Laro ko ’yon hang­gang mga 14 years old ako.

[ Bang-sak is a port­man­teau of the words bang (the sound of a gun) and sak­sak (stab). In the game, the tayâ (the it player) holds the gun, while the oth­ers have a knife. The tayâ turns away from the play­ers and counts to 10, al­low­ing the play­ers who have the knives to run and hide. Each time the tayâ sees a player with a knife, he shoots him/her. Any player with a knife can at­tack the tayâ to win the game.]

If fat, calo­ries, and choles­terol are not an is­sue, what food types would you feast on?

Ac­tu­ally, hindi pa ’ko gano’ng ka-health­con­scious. Ngayon lang, hindi ako ku­makain na masyado ng baboy. Beef lang ta­laga ako at saka isda. Ku­makain, pero ’yong baboy na liempo, hindi. Crispy pata, hindi. Ku­makain ako ng ba­con, pero ’yong ta­la­gang nasa harap ko ’yong malak­ing baboy, hindi. Ang hi­rap ng food trip, e. Ang sayang ku­main. Pizza sig­uro. Pizza, pare—’yon, gusto ko no’n.

What is your fa­vorite line or scene from any movie?

Movie line or scene? Sig­uro ’yong ek­sena sa Shut­ter Is­land ni Leonardo de Caprio na siya pala yong baliw all along. ’Yon, gusto ko ’yon. Fa­vorite line? Sig­uro linya ni Al Pa­cino no’ng nasa sasakyan siya sa Scar­face. Parang some­thing like, “Be­fore you get the girls, you gotta get the money.”

[Daniel is re­fer­ring to this line from Al Pa­cino’s char­ac­ter in the 1983 film Scar­face: “In this coun­try, you gotta make the money first. Then when you get the money, you get the power. Then, when you get the power, then you get the women.”]

What pro­fes­sion have you al­ways ad­mired?

Ako sig­uro, ’yong mga nag-o-OFW. Mahi­rap ’yon. So­bra. Nir­ere­speto ko ’yong mga care­giver do’n. Lalo na ’yong mga babae, es­pe­cially. Nakakalungkot kaya ’yon, lalo kung may mga anak sila dito na ini­i­wanan nila para lang maka­pag­tra­baho. Imag­ine, ako nga mag-tap­ing lang, hi­rap. I mean, nakakauwi na ako, naano pa ako, na-miss ko na ’yong pam­ilya, e. Sila, wala silang choice. Ang hi­rap. ’Yon ang pinaka-nir­ere­speto ko.

If you could have any an­i­mal as a tamed pet, what an­i­mal would it be?

Gusto ko ng wolf. Pero meron na akong parang mga wolf na aso sa ba­hay. Snow wolf na todo. Sig­uro, parang wolf na pagkase­ri­ous-black, black wolf. Parang ano lang, parang spirit an­i­mal ko lang din na kausap.

Sig­uro, nando’n ’yong pagig­ing leader no’ng isang pack. And pagig­ing lone wolf at the same time. May mga times kasi na may pagka-ab­nor­mal ako, gusto ko ako lang muna. Wala akong gus­tong kausapin. Kahit meron, hindi ko siya makakausap masyado. Alam mo na­man tayo pag mga spirit an­i­mal. Pero gusto kong makita ’yong to­toong spirit an­i­mal. Hindi ko lang alam kung sino’ng kakausapin, kung shaman ba, di ba? Masarap mala­man ’yong gano’n, e.

What his­tor­i­cal event would you like to know the truth about?

Sig­uro ’yong ka­to­to­han ng mundo. Gusto kong mala­man. Unahin natin ang pyra­mid sa Egypt. Dream kong pumunta ngayon. Never akong nahilig mag-travel. Pero biglang na-re­al­ize ko, gusto kong mag-travel at pun­ta­han ’yong Cairo. ’Tapos, gusto kong mag- Machu Pic­chu [Peru].

Meron ding isang tem­ple sa In­dia na ta­la­gang ki­narve [carved] lang sa isang malak­ing bato, parang one hun­dred thou­sand years ago. Gusto kong pun­ta­han ’yon. Kasi mys­tery din ’yon, how come merong gano’n. So, gusto kong pumunta do’n. Gusto kong makita. Ex­cited ako lagi sa gano’n.

What is the best and worst thing about be­ing male?

Wala na­man akong masasabi. Parang wala na­mang puwe­deng magsabi. Weird ’yong ques­tion.

What is the most im­por­tant les­son you have learned in life so far?

Ano sig­uro, kung paano mo tinatang­gap ang bawat araw na du­marat­ing sa ’yo. Kung paano mo ite-take, ’yong paano mo sisim­u­lan. And I mean, it’s up to you kung paano mo gagawin ang gusto mo pang gawin. Kasalanan mo na lang ’yan kung paguwi mo masama ang loob mo o ma­g­a­nda ang araw mo. La­hat ’yan, sisim­u­lan mo sa

ma­gan­dang out­look, gano’n ako.

I mean, kasi be­fore, medyo ano ako, e… ma­bilis akong… kaunt­ing ano lang, wala na kaa­gad ako sa mood. Bi­nago ko ’yon, parang this year. Sin­im­u­lan ko no’ng Jan­uary, New Year. Para kong nire-restart ’yong sar­ili ko.

Ang sarap kasi na ex­pe­ri­ence. Ang saya pala ta­laga, nasa sa ’yo kung pa’no mo dadal­hin ’yong buhay mo. Kung pa’no mo ite-take ’yang kahit anong sit­wasyon. Kung paano mo gagawin la­hat is nasa de­sisyon, e. Nando’n la­hat, nasa de­sisyon.

What is your fa­vorite child­hood mem­ory?

Child­hood mem­ory. Happy Homes [Sub­di­vi­sion] no’ng bata ako. Fa­vorite ko ’yong child­hood ko. Masaya ang child­hood ko, kasi nakatira kami sa Happy Homes. Sa may Tan­dang Sora [Que­zon City] ’yon. So, apart­ments ’yon, ’tapos hara­pan lang ’yong mga ba­hay.

So, la­hat no’ng kapit­ba­hay kong bata, katukin ko lang, sigawan mo lang, lal­abas na sa harap ng street n’yo. So, alam mo ’yon, hindi nag-aalala ’yong mag­u­lang n’yo, like sila er­mat pag lumal­abas ako. En­joy na en­joy ako sa lu­gar na ’yon. La­hat no’ng laro na pam­bata, na­gawa ko.

Be­sides be­ing an ac­tor, what is your dream job?

Nagsim­ula na­man ako sa pag­ba­banda. Dream ko pa rin na­man siya un­til now. Pero sa ibang atake na sig­uro, hindi na sa pag­tug­tog masyado, kasi na­pag-iwanan na rin ako. Hindi na ’ko naka­pag-prac­tice.

Kasi siyem­pre, ’andiyan ’yong act­ing, so medyo pumokus ako do’n sa craft. Ang hi­rap pagsabayin, e. Hindi na­man ako gano’n katal­ented. Sig­uro may ibang may kaya no’n. Ako, hindi ko pa siya kaya.

Mahi­rap ta­laga kasi. Ako kasi, tamad ako, e. So, ang hi­rap pagsabayin. Hindi nga ako gano’n ka-tal­ented na, pag-uwi, sige. Hindi, e. Pag-uwi ko, tu­tu­lala muna ’ko mga tat­long oras. Tu­tu­lala lang ako, gano’n lang ako lagi.

What part of the mu­sic in­dus­try do you want to ex­plore?

Gusto kong mag-pro­duce. Gusto kong mag­pro­duce ng mu­sic. Gusto kong mag-pro­duce ng mga artists, lo­cal artists. And gusto kong

Do you col­lect any­thing?

mag-pro­duce ng mga con­certs. ’Yon ang gusto ko. Gusto kong buhayin ’yong mu­sic, qual­ity mu­sic.

This year, magsa-start na ’ko. Last year, tap­ing, tap­ing, tap­ing. Wala akong time. So, this year, mag­sisim­ula na ’ko paunti-unti. Gusto ko rin ng film­mak­ing. Gusto kong mag-pro­duce din ng mga is­to­rya. Sig­uro, some­day, mag­ing di­rec­tor, kung kakayanin ko. Isang dream ko rin kasi ang mag­ing di­rec­tor. ’Yan ang mga gusto kong gawin.

At saka gusto kong gu­mawa ng isang bar na ta­la­gang tug­tu­gan lang ng mga qual­ity mu­sic. ’Yong pupun­ta­han ng tao para lang makinig, umupo at makinig ng artist na ’to dahil may kara­p­atan siyang pak­ing­gan. ’Yan ’yong mga projects ko this year. And sa mga susunod, didire-di­ret­suhin ko na. Sig­uro. Masasabi natin na nagko-col­lect ako, pero ano na­man, hindi na­man col­lect na parang, “Wow! Col­lec­tion.” Hindi na­man.

I just col­lect vin­tage cars. Kasi, ever since bata ako, in love ako sa kotse. In love na in love ako sa kotse. Now na ku­mikita nang kaunti, nagko-col­lect lang ako ng mga vin­tage cars, and sig­uro, mga plaka, nagko­col­lect ako. Mga shades.

Mahilig ako sa car­toons, kasi hang­gang ngayon fan ako ng car­toons. Hindi anime. Car­toons ang kinu-col­lect ko.

What’s one sub­ject you can talk about for hours?

Sig­uro aliens. Hours ta­laga. Fan ako ng Stranger Things. Pero fan din ako ng Black Mir­ror.

Wala lang. No’ng bata ako, may mga tao lang, like mga kuya ko, nakakausap ko, fas­ci­nated kami sa ano, ta­la­gang marami lang kam­ing tanong. I mean, ako, marami akong tanong. Bakit ’to ganyan? Saan gal­ing ’tong si ano? Marami na akong gano’n.

And ex­cit­ing siya mala­man, e, kasi parang de­pende na­man sa ’yo kung ano’ng trip mong pani­walaan. Puwede ka na­man mag-stay na do’n sa gen­eral na kaala­man ng la­hat. Pero be­yond that, meron pa. ’Yon ang gusto kong mala­man.

Kasi gan­ito. Nagkaka­mali ’yong mga tao pagka ini­isip nila na pag nanini­wala ka, sabi­hin sa ’yo, hindi ka na nanini­wala sa Diyos. So, mali. Hindi siya con­nect. La­hat kasi ’to con­nected, so ’yon ang mas ano. Ex­cited lang ako.

[ Stranger Things and Black Mir­ror are TV se­ries on Net­flix, the In­ter­net sub­scrip­tion ser­vice com­pany.]

What one trait do you have that makes you feel good about your­self now?

Sig­uro ano lang ako, parang puwede akong dal­hin kahit saan. Kasi nang­gal­ing na ’ko sa la­hat. I mean, hindi na­man ako nag-aano, na so­brang gal­ing sa hi­rap, a. Pero alam ko ’yong paki­ram­dam. And may mga kaibi­gan akong gano’n dati, na so­brang nasa baba. And alam ko ’yon, nakita ko ’yon. So, kahit saan ako dal­hin, mabubuhay ako.

What un­usual item do you own?

Ano ba? Alien skull. Joke. Wala, wala akong gano’n.

What, if any­thing, do you con­sider your­self ob­sessed with?

Hindi lang aliens. Ob­sessed ako sa moon. Iba ’yong ’binibi­gay na saya sa akin pag nakikita ko siya.

Kasi ’yong ter­race ko sa ba­hay, pag tumin­gin ka sa taas, do’n straight lagi ’yong moon. Alam n’yo ’yong time na nagka-red­moon? Alam mo ’yong three days na puro full moon lang? Grabe. Parang nag-bond­ing kam­ing dalawa ev­ery day. Nagkating­i­nan kam­ing dalawa. Haha. Ob­sessed ako sa moon and stars. Ob­sessed ako sa lan­git mismo.

At saka rare na sa mga tao ang tumin­gin sa lan­git. Nakakalimu­tan na ni­lang tumin­gin sa dami ng gi­na­gawa. So, ’yon, baliw ta­laga ako. Ta­la­gang pag-uwi ko, pagkat­a­pos ko la­hat gawin, mag-shower, uupo lang ako sa ter­race, ’tapos gano’n lang. Nag-uusap lang kami ng mga ka­p­atid ko. ’Tapos ’yon, kukuwestiyunin na na­man namin ’yong mga bagay. ’Yon ang bond­ing nam­ing mag-utol.

What is the high­est-pres­sure sit­u­a­tion you’ve ever been in and how did you han­dle it?

Marami. Lag­ing may pres­sure sa la­hat ng bagay. ’Tapos, ’yon nga, ’yong sinasabi ko sa ’yo kung paano mo dadal­hin, paano mo gagawin. Sig­uro kasi, nape-pres­sure ako tuwing nasa stage ako. May stage fright ako, e.

Hindi sa kanta. Kaya ko ’yong kanta, okey lang ’yon. Pero ’yong magsasalita ako sa harap— oh my God. Hang­gang ngayon, hindi ko kaya ’yon. Hindi ko kayang magspeech. Ayoko ng speech ta­laga.

Nau­una ’yong kaba ko, e. Kailan­gan kong mag-re­lax sa stage at sabi­hin ’yong gusto kong sabi­hin. Pero pag­dat­ing ko do’n, biglang parang, “Ta­pusin mo na, ta­pusin mo na ang sasabi­hin mo.” ’Tapos iisipin ko, “Pa­ha­habain ko pa ba?” Oh my God, hindi ko na alam.

What do you think you have done to make the world a bet­ter place?

Papunta pa lang ako do’n sa mga project ko na gano’n. I think na darat­ing ’yong tamang oras na may gagawin akong project or some­thing na tungkol sa pag­tu­long sa ka­likasan. Ako, never akong nag-lit­ter. ’Yon

ang ma­g­a­gawa ko. Never akong nag-lit­ter. And nakikita ’yan ng PA [per­sonal as­sis­tant] ko. Kahit siya, alam niya na hindi namin gi­na­gawa.

Kun­wari nasa set ako, nasa tap­ing ako. Grabe. Sasabi­hin ko, “Huwag n’yo na­man gaw­ing ba­sura ’tong lo­ca­tion.” Min­san kasi parang, “Ano ba kayo? Mahiya na­man kayo. Nag­tat­apon kayo dito, di ba? Hindi n’yo ba maitapon nang maayos ’yan?” Parang darat­ing kami do’n, pag-alis namin, so­brang dumi.

’Yon lang, ala­gaan lang natin ’tong mundo dahil, di ba, pinatira na nga tayo dito.

’Tsaka may nakita akong video ng Bali, In­done­sia. Grabe. May nag-free-dive, grabe ang ba­sura. So­brang dami sa da­gat. Nakakalungkot. What was the worst and best pur­chase you have ever made? Ba­hay ko ang best. Kasi dream ’yon ng nanay ko. Sim­ula bata pa siya, ba­hay ta­laga. Kasi, kahit ano na­man ta­la­gang mang­yari, may ba­hay ka na. Sa ’yo ’yong puwesto na ’yon ha­bang-buhay.

Worst sig­uro, kotse. Sa akin, ha. Hindi ko sinasabi sa la­hat, ha. My worst, ha. Worst lagi ang kotse kasi lugi agad ako pag bu­mili ako ng kotse. Lug­ing-lugi ako. Kahit alam ko ’yong to­toong presyo niya, bibil­hin ko pa rin. Kasi wala ka na­mang choice, e. Kahit mag­padala ka pa sa kahit anong bansa, pag­dat­ing dito, gano’n pa rin ang baba­yaran mo. So, kotse ta­laga, sayang. What food do you ab­so­lutely hate? And why? Am­palaya sig­uro. Ayoko ng am­palaya, ang pait. Hindi ko nga alam kung sino’ng nakaisip kainin ’yon, e. Sig­uro ’yong ma­gan­dang luto, di ba? ’Yong hindi ma­pakla ’yong lasa. Who was your fa­vorite car­toon char­ac­ter when you were a child? Fa­vorite car­toon ko is Hey Arnold! Wala lang. Meron lang nos­tal­gic feel. Kasi, bago ako puma­sok sa school, madal­ing araw pa, Hey Arnold! na. Ang sim­ula no’n, gabi din, e.

[ Hey Arnold! is an Amer­i­can an­i­mated TV se­ries that aired from 1996 to 2004. It’s about a young boy’s ex­pe­ri­ences in a big city.] What would oth­ers say you own too many of? Shoes. Marami. ’Yon, kino-col­lect ko sap­atos. Baliw ako sa sap­atos. Sig­uro, isang buong kuwarto. Bu­mibili ako. ’Yong iba, ’binibi­gay.

Madami akong sap­atos, pero eto lang din gagamitin ko. [He points to the seem­ingly overused pair of Chuck Tay­lor that he is cur­rently wear­ing.] Haha. Kailan­gan ko lang magkaro’n. Gano’n sig­uro pagka baliw ka lang sa sap­atos. La­hat na­man ng col­lec­tor, gano’n, e. Who or what do you al­ways make time for?

Fam­ily. Siyem­pre si Kat. Kahit arawaraw kam­ing magkasama, sinasabi niya hindi daw gano’n. Iba daw ’yon, trabaho daw ’yon. So, may time ta­laga. What was the weird­est thing that you used to do when you were a child? Hindi ko masabi. Hindi na­man ako weirdo. I mean, wala na­man akong weirdong gi­na­gawa. What one per­sonal item, ex­clud­ing pets and fam­ily, would you most want to save if your house caught fire? Sig­uro, mga gi­tara ko. Madadala ko la­hat ’yon. Kahit ilan pa ’yon, madadala ko la­hat ’yon. What com­pli­ment re­ally stuck in your mem­ory? Nakaka­sawa ang ka­pogian ko. Haha! Wala lang, parang may gano’n pala? May nakaka­sawang pogi. Pogi na rin na­man ’yon, puwede na rin. Hindi ko alam, ka­mag-anak ko ata nagsabi. What about you makes you unique? Sig­uro, I stick to my game plan. Kung ano ang plano ko, gagawin ko. Kung ano’ng sin­abi ko, gagawin ko ’yon. Hindi ako puwe­deng mag-fail do’n sa sin­abi ko. Kasi wala akong mukhang mai­ha­harap sa ’yo. At saka meron akong vi­sion. May vi­sion akong kailan­gan kong gawin at kailan­gan mang­yari—at mangya­yari ’yon. Gano’n. What was the worst in­jury you’ve ever had and how did you get it? Sig­uro, eto [points to his lower lip]. No’ng nasa Princess and I pa ako nito. Nag­bas­ket­ball. Bu­tas ’to, at saka nasiko ako. Hindi na­man masakit masyado. Worst lang ’yon sa la­hat ng nang­yari sa akin. Parang four­teen stitches. Seven sa loob, seven dito sa labas.

[The Princess and I tele­serye, star­ring the KathNiel love team, along with En­rique Gil, aired on ABS-CBN from 2012 to 2013.] If you were to have a tat­too, what would the de­sign be? Ang hi­rap ng tanong. Sig­uro, mag­pa­p­atat­too ako ng isang as­tro­naut, na bungo ’yong nasa loob. Bungo, kasi ako, ad­dicted ako sa mga skulls, ganyan, lalo na ’yong mga Mex­i­can skulls. Alam mo ’yong movie na Coco? Astig.

Sig­uro, nanay ko kasi, rak­en­rol no’ng lumalaki ako, no’ng bata ako. Tinit­ing­nan ko siya, puro bungo ’ yong damit din niya. Puro naka-T-shirt na nakabungo. Mahilig ako sa mga dark na mga bagay. Sig­uro kasi, sa’n ko ba nakuha? Sig­uro sa mu­sic ko rin nakuha.

[The Coco movie that DJ is re­fer­ring to is the 2017 Amer­i­can an­i­mated film, about a Mex­i­can boy who is trans­ported to the land of the dead.] What is some­thing you have al­ways wanted to do but have not done yet? Puwede na sig­uro ’yong ano ko, sa mu­sic, and all those trav­els na gusto kong pun­ta­han, sa moun­tain, mag-hik­ing. Would you take a trip to a for­eign coun­try alone or have you done that? Yes. Sig­uro, sa Ja­pan na lang akong mag-isa, kaya ko ’yon. Egypt mag-isa, hindi ako sig­u­rado, masyadong malayo. Eto, four hours lang, kayang-kaya ko ’yan.

Pag mag-isa kasi akong ini­wan sa isang lu­gar, hindi ako aalis sa kuwarto. Bababa ako, pero hindi ko alam. Hindi ako lalakad mag-isa. Hindi ako gano’n. Pag ini­wan mo ’ko, en­joyin ko na ’yong sar­ili ko, nakikita ko lang ’yong view no’ng lu­gar. Nasa ho­tel lang ako nanonood ng TV. Would you want to live for­ever? Why or why not? Sig­uro, may mo­ment din na ma­pa­pagod ka na rin. So, I think hindi. Sig­uro, hang­gang

mala­man ko ang ka­to­to­hanan. Hi­hin­tayin ko si God du­mat­ing. Siya lang ang puwe­deng magsabi na “O, sige na, mag­pahinga ka na.” Who would you want to play you in a movie about your life? Sig­uro si Jor­dan, ’yong pin­san ko. Basta siya na lang, para sakto sa kanya ko makukuwento la­hat ng kung ano ang pinag­ga­gawa ko. Do you have su­per­sti­tious be­liefs? Huwag kang mag-nail-cut­ter ng gabi? Baka may maak­si­dente. Nagne-nail-cut­ter ako sa gabi, pero sin­isig­u­rado kong nasa ba­hay na la­hat ng pam­ilya ko. Haha. Tata­nun­gin ko, “Nasa’n sila Mama?” “A, nasa ba­hay.” “Akin na nail cut­ter.” Sundin mo na lang ’yong mga kasabi­han ano, to­too ’yon.

Kung kailan­gan na ta­laga, kailan­gan mo na lang sabi­hin, “Sorry, nag­pa­paka-re­al­is­tic lang din muna ako. Kailan­gan kong gupitin ang kuko ko ngayon, okey?” Ik­laro mo lang. If you could steal one thing with­out be­ing pun­ished, what would it be? Pupunta sig­uro ako sa Rome. Ano’ng puwede kong nakawin, isa lang? Sige, isa na lang. Pupunta na lang ako sa Rome, ’tapos pupunta ako sa cathe­dral do’n. ’Tapos meron do’ng un­der­ground na li­brary ng Vat­i­can. ’Tapos meron din ’ yong hindi ’ni­l­abas sa Bi­ble, kukunin ko ’yon. Gusto ko ring makuha si Mona Lisa. Parang kukunin ko lang siya, ’tapos walang pipigil sa akin. Grabe ’ yon, a, grabe si Mona Lisa. Nakita ko sa per­sonal ’yon, may feel­ing ta­laga siyang ’binibi­gay sa ’yo. Are you into arts? Well, gets ko lang sila. I mean, mahilig ako sa mga artists. Gusto kong alamin kung bakit, lalo na si Leonardo da Vinci, ge­nius ’yon. So­brang ge­nius no’n. And na-ob­sess ako sa kanila, kung bakit nila gi­na­gawa. Ano’ng puma­sok sa isip nila para ma­g­awa ’yon?

[Leonardo da Vinci (1452–1519) was an Ital­ian Re­nais­sance painter and sculp­tor who was also an ar­chi­tect, en­gi­neer, and sci­en­tist. As a painter, he is best known for The Last Sup­per and Mona Lisa.] Do you be­lieve in ghosts? Yes, nanini­wala ako sa mga es­pir­itu. Nakakaram­dam ako. Ang es­pir­itu na­man kasi, re­spetuhin mo lang sila, nagse-stay lang ta­laga sila dito. Hindi na­man, like, parang kailan­gan mong sabi­han. Re­spect na lang, kasi gal­ing pa sa an­ces­tors mo, ’ando’n na ang kuwento na ’yan. I mean, na­pasa na lang din sa ’yo. Hindi na­man sa nanini­wala ako na may multo dito. Parang nir­ere­speto ko lang. Do you be­lieve in pre­dic­tions? Oo, meron ta­la­gang mga spe­cial na tao. Si Nostradamus nga, todo, e, di ba? Meron silang feel­ings, e. Meron silang nararam­daman. La­hat na­man tayo, may déjà vu. So, yes.

[Nostradamus (1503-1566) was a “French physi­cian and as­trologer noted for his sev­eral vol­umes of cryptic prophe­cies in verse,” ac­cord­ing to the Amer­i­can Her­itage Dic­tionary.] What ac­com­plish­ments are you most proud of, so far? La­hat na­man ng tra­ba­hong gi­na­gawa ko. I mean, ’yong projects ko, tuwing natat­a­pos ’yon. Pag nakikita ko na masaya ’yong mga tao, ma­paserye, ma­pa­pe­likula, ma­pa­con­cert, kung anu­man ’yan, basta nag­ing suc­cess­ful, so­brang laki ng kinita, ta­la­gang saya no’n. Parang, “Iisa pa ako ulit.” What is the one thing you’ve al­ways wanted to try, but are afraid to do? Gusto ko lang subukan, pero hindi ko na­man gagawin. Mag-bungee-jump­ing. Hindi ko kaya ’yon. ’Yong sen­sa­tion no’ng fall­ing ang takot ko. Ayoko ’yong feel­ing na nalalaglag ako, e. Do you love or hate roller coast­ers? Hindi na. Medyo na-trauma ako no’ng na­groller-coaster. Nag-ASAP [noon­time va­ri­ety show] kasi sa Lon­don. Etong sila En­rique [ Gil], nagyaya do’n sa merong ano do’n, parang En­chanted King­dom ang dat­ing. So, pumunta kami. Grabe ang mga sinakyan kong roller coaster. Na-trauma ako sa feel­ing.

Ayoko na. Hindi na­man ako na­suka. Ayoko na lang ta­laga ’yong lalo na pag nagtu-tur­bu­lence sa ero­plano. Grabe, nagigis­ing ka, ’tapos, uh, nalalaglag ’yong loob mo. If you were to be painted by an artist, which artist would it be? Leonardo da Vinci ako. Ang lupit no’n. Puwede na akong mad­eds no’n. ’Tapos, bibi­gyan nila ako ng im­por­tan­siya pag na­matay ako, e. Haha! ’Tapos, ’yong paint­ing na lang ang nai­wan. Have you ever googled your­self? Sig­uro one time, no’ng bago ako. Parang la­hat na­man tayo, gi­noogle ang sar­ili natin. Hindi na­man for the sake, “Sikat na ako.” Gusto mong i-google kung lal­abas ka sa Google. Siyem­pre, alam mo na­mang ig­no­rante pa tayo dati sa Google. Oh my God, la­hat ’an­dito. La­hat na­man, natawa ako. Is there any­thing you re­gret do­ing and not do­ing? I think kasi natuto na ’ko na parang la­hat ng mga nangya­yari, may ra­son kung bakit nangya­yari. Sa mga na-ex­pe­ri­ence ko, lalo na ’yong mga ka­gaguhang nang­yari sa akin, alam ko kung bakit ’yon nang­yari. Hindi ako in de­nial, ’no?

Alam ko, kaya ’tong mundong ito, itong uni­verse natin, hindi ta­laga puwe­deng nang­gugu­lang ka, hindi puwede. May mangya­yari at mangya­yari sa ’yo, ulupong. Ta­la­gang karma, to­too. Ei­ther way, good or bad karma. To­too ’yon. May gawin kang ma­g­a­nda, ta­la­gang gal­ing sa puso. May mas mabuti pang ba­ba­lik sa ’yo. Wala, wala akong re­grets, kasi la­hat meron ta­laga dahi­lan. If given an op­tion, would you choose a hol­i­day spent at the beach or in the moun­tains? Ang hi­rap no’n. Ang saya sa moun­tain, pero ang sarap din sa beach. Iba kasi ’yong da­gat, kinu-cure ka ng da­gat. Di ba, kahit anong prob­lema mo, pag nakaupo ka na, parang sin­isip­sip niya la­hat ng ano.

Pero moun­tain, iba din. Nasa view ka lang na mataas ka. Anong pana­hon ’yan? Pag sum­mer, puwede ako sa moun­tain din. Parang ba­lik­tad, sa beach ako sa mas malamig na pana­hon at oras. Mas gusto ko ’yong hangin no’ng da­gat, e, na malamig. Have you ever cheated in your exam? Yes. Alam mo ang nakakatawa do’n, pinagsama-sama pa nila sa exam ’yong high school first year, sec­ond year. And then, nag­paturo ako do’n sa sec­ond year. E, di, mas madali ’yong buhay para sa akin. Mala­mang, kung first year kak­lase ko, mala­mang wala rin akong makopya do’n. Ngayon eto, at least. Hindi, pero ewan ko, hindi ko masabing mali ’yon. Diskarte ko ’yon. Haha! When was the first time you tasted al­co­hol? Tasted? Bata pa ’ko no’n, pinagtitri­pan ako ng mga tito ko. Hindi na­man ako ni­lalas­ing, ha. “In­u­min mo, in­u­min mo.”

Kahit na­man ako, nag­gagano’n ako: “Tik­man mo ’to, Jor­dan.” Si Jor­dan was three yata or four. Pi­na­painom ko wine. Hindi, marunong ’yon. Alam niya. “Alak. Ek.” Gagano’n. What’s the most dar­ing thing that you’ve ever done? Sig­uro ’yong mga paghubad-hubad ko na sa cam­era. Hayop, e, no, kung makahubad, e, no. Hindi na­man, hindi kumportable kasi, e. At saka wala na­man akong mal­isya pag naghuhubad ako. Wala na­man ta­laga, wala na­mang gano’n, e. Parang may naghubad na walang dat­ing, ano. So, nahiya lang ako. Do you ever think about go­ing to the gym? Ngayon, medyo nai­isip ko na rin, kasi lumalaki na ako, e. So, baka hindi na ma­g­a­nda sa paningin ng iba. Baka masakit na sa mata ’yong katawan ko. Haha. Nai­isip ko na rin baka, ‘Ang laki ng tiyan ni Daniel, a.’ Nai­isip ko, nai­isip ko lang. Do you think you would ever be com­fort­able tak­ing your shirt off in front of the cam­era? Hindi, hindi ako gano’n, e. Hindi nga ako natu­tu­log na nakahubad. Sin­ubukan ko na rin ’yon. Ang mga lalaki, gano’n, di ba? May mga pin­san akong gano’n kasi, naghuhubad ’tapos matu­tu­log. Sabi ko, “Ako nga rin.” Hindi ta­laga ako kumportable. “Bakit nakal­abas ’yong katawan ko sa ku­mot?”

Hindi ta­laga ako palahubad na tao. Kahit nasa da­gat ako, gusto ko naka-shirt. Pag naliligo, naka-rash­guard ako. Hindi ako magkaka-can­cer.

Daniel for YeS! “SexY Dozen” CoVer fea­TUre, 2014

Daniel in his pre­vi­ous sTo­ries For Yes! (au­GusT 2013 anD De­CeM­Ber 2014)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.