Agriculture

THE FARMER ENTREPRENE­UR – HINDI MAHIRAP ANG FARMING!

NAME: Marlo Molino Bibat BUSINESS NAME: MB Seelings LOCATION: Natividad and Dasul, Pangasinan

-

Karamihan ng tao sa sa amin sa Infanta, Pangasinan ay umaasa pagsasaka. Yung father ko ay sa pagsasaka lumaki at napasok sa constructi­on. Ako naman ay nagtrabaho din sa bukid hanggang sa nag-try akong magtanim ng gulay kasama ang mga kaibigan ko. Nagwork kami bilang laborer sa mga farms. Para sa akin, gusto kong ipakita sa mga tao na hindi mahirap ang farming. Nasa tamang pagtingin lang ng tao at tamang diskarte ng tao. Kailangan ikaw mismo ang gumagawa.

Ang naririnig ko palagi, pag sinasabing farming dito sa Pilipinas, totoo po na mahirap ang buhay. Kadalasan, pag sinabing magsasaka ka dito sa atin, mahirap ka. Pero yung iba naman po na magsasaka, yumaman naman. At yun ang gusto sanang baguhin.

Nung nag-start ako sa college sa Pangasinan State University, inintroduc­e na ako ng mga instructor­s ko sa mga farming technologi­es. Sabi nila, maganda ang agricultur­e. Maraming opportunit­ies para maging kabuhayan natin. Pagka-graduate ko po, nagtrabaho ako sa isang seeds company. At nakita ko po na totoo po pala na may magandang future sa agricultur­e. Kailangan lang pag-aralan ano yung ways para maimprove natin yung pagsasaka natin.

Sa ngayon po ay nagtatanim ako ng sili at watermelon. Nagre-rent lang po ako ng lupa. Maraming attempts na po ako magtanim

PAPAANO NAGSIMULA

Nag-start ako magtanim mismo nung nagkatraba­ho na ako. Nakapag-ipon ako ng puhunan at pinatanim ko. Nag-put uo ako ng maliit na negosyo. Yung seedlings po. Nagsi-seedlings po kami ng vegetables. Tapos nung nakaipon pa po ng konti, nag-try kami magtanim ng

ampalaya. Kumita naman po. Nag-invest lang po ako ng P30,000 sa isang 2,500 sqm na lupa. Ang ampalaya po pag hybrid ay maghihinta­y lang tayo ng 35 days. Maraming magsasaka ay hindi alam ang mga ganito. Kaya tinuturo ko rin sa kanila itong mga kaalaman na ito.

May mga risks din po sa pagsasaka. Marami po ang nakakarana­s malugi. Kasama na po talaga yun sa buhay ng magsasaka. Na-experience ko na rin po na malugi. Binagyo po kami ng bagyong Ulysses. Kamakailan lang din po ay nalugi ako sa patanim kong sili dahil biglang bumagsak ang presyo.

Pero hindi tayo dapat umayaw. Dapat ang mindset natin, pag nalugi, dapat ang iniisip natin ay pag-aralan pa nating mabuti. Kasi pag nalugi o kaya ay nagkamali tayo ng timing, ang ibig sabihin ay meron pa tayong kailangan i-improve. Sa failure po ay maraming lessons na matutunan.

PANGARAP SA HINAHARAP

Ang pangarap ko po ay umangat ako sa buhay pati na rin ang iba pang Pilipinong magsasaka. Bata pa po yung anak namin. Isang taon pa lang. Sana po paglaki niya ay mas maayos na ang buhay ng mga magsasaka dito sa atin.

Sana rin ay suportahan tayo ng gobyerno ng mga makinarya, lalo na po sa processing na kailangang­kailangan para mapababa ang cost of production. Bahagi po dyan ay ang paggawa ng organic fertilizer, pagbungkal ng lupa o land preparatio­n, yung mga innovative na devices para sa pagpapatub­ig, yung mga yun po ang mga kailangan natin para mag-improve pa ang quality at quantity ng production natin.

 ?? ??
 ?? ??
 ?? ??
 ?? ??
 ?? ??
 ?? ?? Marlo and his young family (left) at their seedlings farm in Pangasinan
Marlo and his young family (left) at their seedlings farm in Pangasinan
 ?? ??
 ?? ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines