Balita

Rita, no boyfriend since birth

- Rita Ni NORA V. CALDERON

Rita Daniela nang mag-audition siya sa Miss Saigon, hindi nga lamang siya nakasama sa short list dahil seventeen years old lang siya noon.

“Management decision na po na gamitin ko ang tunay kong pangalan na Rita Daniela ngayong pinasok ko na nang tuluyan ang recording,” sabi ni Rita. “Total performer na raw po ako ngayon dahil kahit busy ako promoting my album, gagawa pa rin ako ng drama series. Kasama po ako sa Let The Love Begin at may bago akong tatarayan sa story, si Gabbi Garcia. Pero kung meron po akong gustong apihin sa show, si Barbie Forteza iyon kasi napapanood ko siya, ang husayhusay na niyang umakting.”

Ayaw nang pag- usapan ni Rita ang issue sa kanila ni Alden Richards na namisinter­pret ang pagsasabi niyang naging close sila sa ilang beses na nilang pagsasama sa soaps kaya wala na silang ilangan. Never daw naman talagang naging sila.

Thankful si Rita na sa kabila ng issue, patuloy pa rin ang friendship nila ni Alden. At 19, wala pa raw siyang naging boyfriend. Nang tanungin kung sino ang mga nanligaw sa kanya na Kapuso stars, hindi makaimik si Daniela nang isa-isahin sa kanya ang names ng young stars, na lahat ay tinanggiha­n niya, maliban kay Julian Trono na binasted niya agad. Bakit, samantalan­g si Julian ay sikat na ngayon sa K-Pop songs?

“Gusto ko po kasi, older sa akin, mas mature. Kaya po open ako sa pagsasabin­g ang crush ko ay sina Dennis Trillo at Sid Lucero, at sana makasama ko sila sa mga susunod kong projects.”

Ang kilalang concert producer na si Anna Puno ang manager ngayon ni Rita and soon, mapapanood sa concert ang young actress/singer. Sa ngayon, busy muna sila sa promo ng album na ang carrier single ay ang sariling compositio­n ni Rita na ‘Di Lang Ikaw. May music video na rin ang isa pa niyang single na I’m Flying High. May minus one lahat ng songs. Ang digital format ng album ay released worldwide at available sa OPM2GO, Deezer, iTunes at Amazon.

Pero kahit busy, hindi pinababaya­an ni Rita ang studies niya, first year college siya ngayon sa St. Benilde College and taking up Film na gusto niyang tapusin.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines