Balita

Dawn, n, aliw na aliw pa rin kay Goma a

- Ni JIMI ESCALA

HINDI itinanggi ni Dawn Zulueta na may mga naunang script para sa pagbabalik-tambalan nila ni Richard Gomez na tinanggiha­n niya. Katwiran niya, kailangang siguraduhi­n muna niya na bagay sa kanilang dalawa ni Goma ang takbo ng istorya. Pero nang mabasa niya ang script ng The Love

Affair (Star Cinema), agad naramdaman ni Dawn na puwede nilang gawin ni Richard ang roles nila sa movie. First time niyang gaganap bilang wife ni Richard na nagloko.

Kaya agad niyang tinanggap nang i-offer ito sa kanya.

“Nu’ng binasa naman namin ‘yung script sa story conference, eh, ipinaliwan­ag naman sa amin more or less ‘yung magiging takbo ng story, nagandahan na ako. So, actually it’s nice to put it together, all of us kind of collaborat­ed also in putting the script together,” sabi ni Dawn.

“Ang mga roles namin dito, eh, very real people and I believe the audience once na pinapanood nila ito, meron din sa kanila na makaka-relate agad. Perhaps hindi ka naging wife na nangaliwa, but you will understand why Tricia did what she did,” paliwanag niya sa naging pagkakamal­i ng character na kanyang ginagampan­an.

“And then you will probably come to relate what she did to maybe something that is also an experience of yours in the past and perhaps and hopefully understand yourself also better or perhaps understand other people better,” dagdag pa ng magaling na aktres.

Hanggang ngayon ay loyal pa rin ang moviegoers sa tambalan nina Dawn Zulueta at Richard Gomez na nagsimulan­g gumawa ng box office hits noong early 90s. Kaya hindi makapaniwa­la si Dawn na kahit pareho na silang happily married ay buhay na buhay pa rin ang supporters ng tambalan nila.

“Hindi rin ako makapaniwa­la na ganito kami kasuwerte kasi ilan lang ba ang mga kagaya namin na may asawa na at dating magka-love team pero hanggang ngayon, eh, tinatangki­lik pa rin ng audience.

“I really consider ourselves very, very fortunate. Kaya naman kami ni Richard as a love team tina-try din namin na mabigay sa kanila ‘yung hinahanap nila pero at the same time kailangan bagay din sa edad namin,” seryosong lahad ni Dawn.

Aminado siya na kahit maraming beses na rin naman silang pinagsamah­ang proyekto ni Richard ay walang kasawaan ang pagsasama nila. At ang kanilang fans, wala ring kasawa-sawa sa kanila.

“I think mas nag-improve kami as co-actors. Mas malalim na kami ngayon. Marami din naman kaming happy times. Hanggang ngayon nag-i-enjoy pa rin naman kami, ‘yun, kasi kalog nga siya, eh, so, enjoy pa rin,” sey pa ni Dawn.

Kung minsan nga raw kahit napakabiga­t na eksena ay hinahaluan muna nila ng comedy.

“Ginagawa naming slapstick lahat,” banggit pa ni Mrs. Dawn Zulueta-Lagdameo.

 ??  ??
 ??  ?? Richard at Dawn
Richard at Dawn

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines